EA, Shaira pinaplano na ang baby: Gusto namin 2, boy and girl sana!

EA, Shaira pinaplano na ang baby: Gusto namin 2, boy and girl sana!

EA Guzman, Rhea Tan at Shaira Diaz

TALAGANG ipinaramdam ni EA Guzman ang pagmamahal at full support sa kanyang fiancée na si Shaira Diaz sa bago nitong project at endorsement.

Isa si Shaira sa mga Kapuso stars na ni-launch kamakailan bilang bagong celebrity ambassador ng pinaka-latest product ng Beautéderm, ang “Belle Dolls.” Ang iba pa ay sina Sofia Pablo, Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix.

Present nga sa naturang event si EA na ginanap sa Novotel Hotel, Quezon City, nitong Miyerkules, October 16. Kabilang ang Kapuso actor sa mahigit 100 ambassador ng beauty kingdom na pag-aari ni Ms. Rei Anicoche-Tan.

Sa panayam kay EA after the event ay natanong siya tungkol sa ginagawa nilang paghahanda ni Shaira sa kanilang wedding.

“Nasa stage na kami na, dito na kami sa mga ninong, pinupuntahan na namin personally. Siyempre, we wanna show our sincerity and faithful kami sa kanila. And siyempre yung plano, lahat na-finalize na namin,” kuwento ni EA.

Baka Bet Mo: EA Guzman pag-iipunan ang dream wedding nila ni Shaira Diaz sa 2026

Dito lang daw sa Manila magaganap ang kanilang church wedding, “Gusto namin tapusin siya by December, okay na kami. Para by January, yung mga maliliit na lang ang aayusin.

“Finally okay na. Sasabihin naman namin sa inyo kung malapit na siya. Important yung date talaga, lalo na sa church. Medyo mahirap kasi yung reservation sa church. Yun na lang ang inuuna namin.


“Wino-workout namin next year, kasi gusto na rin namin, e. Especially ako, gusto ko na talaga magpakasal kami.

“Hindi naman yun problema kay Shaira. Finalizing lang talaga ng ibang kailangan pang ayusin. Ako, ready na talaga. Si Shaira ready na rin.

“Pina-finalize lang namin talaga lahat is this year, and after that, okay na. Gusto namin dito lang sa Manila, para at least madali at sa family namin,” pagbabahagi pa ni EA sa naturang panayam.

Sey pa ni EA, habang naghahanda sila ni Shaira sa kanilang kasal ay marami rin silang nadi-discover sa isa’t isa, “Mas lalo naming minahal yung isa’t isa, especially ako.

“Ngayong papalapit na, inaayos na namin pina-finalize na namin. Sabi ko, du’n ko naramdaman na priority rin pala ako ni Shaira, yung ganun.

“Mari-realize ko na talagang mahal ako ng taong ito. Kaya habang tumatagal, yung love namin sa isa’t isa, habang pinaplano namin yung kasal, mas nagiging matatag pa kami.

“Yung mga talu-talo, wala. Hindi nangyayari sa amin yun. Nagulat nga kami, magkaiba kami ng opinyon, magkaiba kami ng gusto, pero at the end of the day, nagswak. Nagkakasundo kami,” sey pa ni EA.

Masaya ring ibinalita ng aktor na may bahay na rin silang titirhan ni Shaira after ng wedding. Pero nagpaplano na rin siya na makapagpatayo ng malaki-laking bahay kapag nagka-baby na sila.

Pinaplano na rin daw nila this early ang pagakakaroon ng baby, “Ang gusto namin, kahit dalawa, okay na kami. Boy and girl sana. Kung ano man yung ibigay ni Lord, kasi blessing yun, e.”

Read more...