ISA nang ganap na doktor ang isa sa mga anak ng power couple na sina Sen. Bong Revilla, at Congresswoman Lani Mercado-Revilla.
Excited na ibinandera nina Sen. Bong at Congw. Lani na certified doctor na ang kanilang anak na si Loudette Bautista matapos pumasa sa 2024 Physician Licensure Examination o ang Board Exams para sa mga doktor.
Super proud and happy ang parents ni Dra. Loudette na kahit hatinggabi na lumabas ang resulta, agad itong ibinahagi ni Sen. Bong sa kanyang Facebook Live.
Hindi lang mga magulang ang masaya, kundi pati ang kanilang mga kaibigan at tagasuporta.
Baka Bet Mo: Bong ibinandera ang 37 years na pagsasama nila ni Lani bilang mag-asawa: ‘Imagine, ang tagal na niyang nagtitiis!’
Nagtapos ng pre-med si Dra. Loudette sa Ateneo de Manila University at ng medisina sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center (UERMMMC).
Pinatunayan niyang kaya niyang abutin ang pangarap, hindi lang para sa sarili kundi para sa pamilya at sa mga taong kanyang paglilingkuran bilang doktor.
“Congratulations sa aming Dra. Loudette for passing the 2024 Physician Licensure Board Exams! Certified Doktora ka na, anak!
“You brought pride, joy, and honor to the whole family! Salamat sa pagtupad ng pangarap ni Daddy na magkaroon ng doktor sa pamilya. Thank you God talaga!” sabi ng veteran actor at public servant sa kanyang FB post.
Isang malaking karangalan at saya ang dulot ni Dra. Loudette sa pamilya Revilla, lalo na’t siya ang kauna-unahang doktor sa pamilya!
Last year, pumasa sa bar exams ang anak nina Bong at Lani na si Atty. Inah Bautista-Del Rosario, kaya walang pagsidlan ng kasiyahan ang pamilya Revilla dahil, hindi lang abogado kundi mayroon na rin silang doktor.
Kaya sa ’yo, Dra. Loudette Bautista, Mabuhay ka! You are now licensed to heal, at marami ang natutuwa at umaasa sa iyong mga susunod na tagumpay! Tiyak na maraming Pinoy ang matutulungan mo!