Bukol sa suso | Bandera

Bukol sa suso

Dr. Hildegardes Dineros - November 13, 2013 - 03:00 AM

GOOD morning po. Ako po si Lyn ng Pasig, 20 years old po ako. Gusto ko lang pong malaman kung ano itong nararamdaman ko sa aking sus.

Minsan po kasi ay masakit yung gilid ng suso ko at may nakakapa po akong bilog. Masakit po kapag pinipisil ko pero ‘yung kabila naman po ay walang problema.

Bakit po kaya ganoon? Ano po ba ang sakit ko. Salamat po ang more power. —Lyn, 20, Pasig, 8427

Malamang ang bukol mo sa suso ay hindi kanser kundi “fibroadenoma“ lang at hindi ka dapat mabahala dahil karaniwang nakikita at nararamdaman ito ng mga ka-edad mong babae.

Kadalasan, kapag masakit ang bukol ay namamaga lang ito, malayong maging kanser.

Obserbahan lang at magpa-check up taun-taon. Matuto ng breast self-examination, na gagawin kada buwan isa sa ikalawang lingo pagkatapos ng regla.

Good afternoon po, doc. Ano po ba ang gamot na pwedeng i-take kasi hindi ako nakakatulog nang maayos sa magdamag. Parang may insomnia yata ako. —…9194

Ang sleep pattern ay regular. Kapag naputol ito at hindi naayon sa “biorhythm” ay mahirap maibalik. Ano at anong oras ang trabaho mo? Ano ang nakaka-stress sa iyo? Hindi maganda ang basta-basta lang uminom ng pampatulog. Kaya naman maibalik ang “biorhytm” kung gugustuhin.

May question lang po ako sa inyo. Pag ang may sakit po ba na TB o tuberculosis ay nainuman na gamot at na-maintain niya ito, hindi ba dapat madadagdagan na ang kanyang timbang? Di ba rin po ang multivitamins ay pampabata? Pakisagot na lang po. —Kenz, San Jose, Del Monte, Bulacan, …1385

Dapat bumalik na ang gana sa pagkain kapag nagamot na ang TB. Ang vitamins ay supplement lang kung kulang ang kain.

Good morning Dr. heal. Ask ko lang po paano maiiwasan ang pigsa kasi po lagi akong nagkakaroon nito. Malinis naman po ako sa katawan. Ano po ang mabisang gamot para dito? Salamat po. —7969

Ang pinanggagalingan ng paulit-ulit na pigsa ay malamang nanggaling sa impeksyon sa dugo. Kailangan ng antibiotic (DALACIN C 300 mg 1 cap daily for 2 weeks, CO-AMOXICLAV 625 mg 1 tab 2x a day for 1 week). Panatilihing malinis ang katawan, iwasan ang matatabang pagkain.

Hi, gandang hapon po doc. Pwede nyo po ba akong tulungan sa problema ko? Sa timbang ko na 60 kilos, nahihirapan ho akong huminga tapos mabilis din akong napapagod. Ano po ba ang dapat i-take na pang pa-reduce ng timbang? —Jhei 25, Cotabato, …8853

Bata ka pa Jhei, hindi pa mahirap na gumalaw-galaw. Syempre, kailangang tingnan mong maigi ang kinakain mo. Gaano kadami ito? Gaano ka kadalas kumain at ano ang mga paborito mong pagkain?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alalahanin mo na lahat ng pagkain, maliban sa tubig, ay may “calories” at kapag mas marami kang ipinasok sa katawan sa pamamagitan ng pagkain at kung kakaunti ang paggastos ng “calories” dahil tamad kang mag-ehersisyo o gumalaw, tataba ka talaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending