Kampo ni Judy Ann nagbabala sa ‘fake’ FB account: ‘Please report!’

Kampo ni Judy Ann nagbabala sa ‘fake’ FB account: ‘Please report!’

PHOTO: Instagram/@officialjudayph

NAGLABAS ng official statement ang kampo ng Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos kaugnay sa isang Facebook account na ginagamit ang pangalan ng batikang aktres.

Sa Instagram ng official account ni Juday, makikitang ibinandera nito ang screenshot ng tinutukoy na pekeng page.

Kalakip ang caption na: “This is to inform the public that Judy Ann Santos-Agoncillo Fans is not the official account of Judy Ann Santos.”

Wika pa, “Any posts made here are not from her or her management.”

Nakiusap din ang kampo ni Juday na mag-report sa kanila sakaling may iba pang fake accounts.

Baka Bet Mo: Judy Ann Santos handa na ba sa pagbabalik-horror para sa MMFF 2024?

“Please report any suspicious accounts and follow our pages for real updates listed below. Thank you for your support,” ani pa at nilagay na ang official pages ng batikang aktres ay ang Official Juday PH sa Instagram YouTube, X at TikTok, habang Judy Ann Santos PH naman sa Facebook.

Anyway, tiningnan namin ang nabanggit na fake account sa FB at wala naman kaming nakitang posts na huimihingi ito ng donasyon o pera –panay hugot at litrato lang ng iba’t-ibang pagkain ang nakalagay sa page.

Pero ang nakakaloka lang, mayroon na pala itong 3.4 million followers at ang tanging fina-follow lang niya ay ang page na Judy Ann’s Kitchen.

Kaya rin siguro naglabas na ng pahayag sila Juday dahil baka akala ng kanyang fans ay ito ang kanyang official fan page dahil sa milyong-milyong followers na nakuha nito.

Read more...