Banta ni VP Sara sa pamilyang Marcos: ‘I’ll throw Marcos Sr.’s body in WPS’

Banta ni VP Sara sa pamilyang Marcos: ‘I’ll throw Marcos Sr.’s body in WPS’

VP Sara Duterte, President Bongbong Marcos

MAY babala si Vice President Sara Duterte sa patuloy na pag-atake sa kanya ng pamilyang Marcos.

Ito ay matapos siyang tanungin ng ilang reporters patungkol sa lumalaking alitan sa pagitan nila ni Pangulong Bongbong Marcos.

“I told Senator Imee (Marcos), if you don’t stop, I will dig the grave of your father and I will throw him to the WPS (West Philippine Sea),” sey ni VP Sara sa mga reporter sa isang interview.

Aniya pa, “One of these days, I will really go there and get his body.”

Hindi binanggit ng bise presidente kung kailan niya ito minessage sa kapatid ni Mr. Bongbong, pero ang ginawa niyang pagbabanta ay ipinadala niya sa isang group chat na kasali si Senador Imee.

Baka Bet Mo: Sharon binalikan ang naging relasyon sa pamilya Marcos: Si BBM hindi ko siya iniwan…he was my friend

Ayon pa kay VP Sara, hindi na niya maalala kung nag-reply sa kanya ang senador.

“I don’t think she responded to that, I can’t remember,” sey ng anak ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung maaalala, ang diktador ay namatay noong 1989 sa Hawaii kung saan tumakas ang pamilyang Marcos matapos mapatalsik sa naganap na Edsa People Power Revolution noong 1986.

Taong 2016 naman nang magdesisyon si dating Pangulong Rodrigo na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang ama ng current president sa kabila ng ilang taong pag-aatubili ng mga nakaraang administrasyon.

Samantala, naging usap-usapan recently ang inihayag ni Pangulong Bongbong na tila napaasa siya ni VP Sara pagdating sa kanilang “friendship.”

Hiningan kasi siya ng reaksyon patungkol sa sinabi ni Duterte last month na hindi sila magkaibigan sa kabila ng pagtakbo nila nang magkasama sa 2022 elections bilang “Uniteam.”

Sey ng presidente, “I’m a little dismayed that she doesn’t think that we are friends. I always thought that we were,” pag-amin niya sa reporters.

Aniya pa, “But maybe I was deceived.” 

Ang alitan umano sa pagitan ng dalawa ay nag-ugat sa naging imbestigasyon kaugnay sa confidential at intelligence funds ni VP Sara na ginamit sa Department of Education (DepEd) noong kalihim pa siya ng ahensya.

Read more...