MAY sagot na si Alden Richards sa tanong ng madlang people kung nililigawan nga ba niya si Kathryn Bernardo.
Diretshahan kasi siyang inusisa ng King of Talk na si Boy Abunda sa naganap na behind-the-talk exclusive ng “Fast Talk” kamakailan lang.
Hindi pa malinaw ang sinabi ni Alden, pero inilarawan niyang “very deep” ang koneksyon nila sa isa’t-isa.
“‘Yung meron po kami ni Kathryn ngayon…is I should say, really deep and since I got the chance to really her now personally, ang dami ko pong na-discover sa kanya or similarities and differences on how we view life,” paliwanag ng aktor.
Wika niya, “And sobrang na-a-appreciate ko po ‘yung mga bagay na ino-open up niya sa akin –welcoming me to her life, and of course, na-meet ko rin ‘yung family [niya].”
Baka Bet Mo: Diskarte ni Darren sa babae: Dapat una mong ligawan yung mga magulang niya
Nag-follow up question naman si Tito Boy sa kanya at tinanong kung pormal na ba siyang ipinakilala ng dalaga sa pamilya nito.
Ang sagot diyan ng on-screen partner ni Kathryn, “Nakakapunta po ako sa bahay nila Kath pag kaya po ng oras.”
Kung matatandaan, nabanggit noon ng showbiz insider na si Ogie Diaz na bet na bet ng pamilya ni Kath si Alden.
“Gustong-gusto raw ng pamilya ni Kathryn si Alden kasi daw –siyempre, lalo na kay Mommy Min, si Alden ay isang negosyante, si Alden ay financially stable, responsable…kaya raw natutuwa at naaaliw kay Alden ‘yung pamilya ni Kathryn,” chika ng vlogger.
Aniya pa, “Dahil daw ‘yung mga gusto nila para sa isang lalaki para kay Kathryn ay pino-possess ni Alden.”
Samantala, ang “Hello, Love, Again” ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa November 13.
Muling gagampanan diyan ni Kathryn ang karakter ni “Joy,” habang si Alden ay bilang “Ethan” na nag-umpisa sa 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye.”