Carla kay Bea: You deserve nothing but life’s absolute best

Carla kay Bea: You deserve nothing but life’s absolute best

PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang naging birthday greeting ng aktres na si Carla Abellana para sa kanyang kasamahan sa “Widow’s War” na si Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang kanilang mga photos together kalakip ang kanyang pagbati sa dalaga.

“To one of the most BEAutiful souls i have ever met, HAPPY BIRTHDAY! Bea, you are so special, you are so blessed and you are so loved,” saad ni Carla.

Pagpapatuloy niya, “I hope that on your special day you were able to feel all that, plus more. Because you deserve nothing but life’s absolute best. Love you!”

Baka Bet Mo: Carla nasa perimenopausal stage na sa edad 37; hirap na hirap magpapayat

Marami rin naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pagbati para kay Bea na mababasa sa comment section ng post ni Carla.

“Bestie. Happy happy birthday po Ms. @beaalonzo God bless!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “At talagang hinintay ni Ms. @carlaangeline na mag 12am para mag post ng greetings kay Ms. @beaalonzo 🙌🔥 what a nice friendship 🥹❤️labyu both!!”

“Happy birthday Bea🎂🎂,ang dalawang magagandang artista na hinahangaan ko. Ang galing nyo parehas sa widow’s war. Always watching,” sabi naman ng isa.

May isa pa ngang netizen na nag-akalang baka matapos na ang “Widow’s War” para dahil sa naging post ni Carla.

“Oh is this a sign that the Widows War is ending?” tanong ng isang netizen.

Sagot naman ni Carla, ” far from it.”

Read more...