NAGSALITA na ang aktres na si Liza Soberano sa tunay na rason ng kanyang pag-alis sa dating agency niya na Careless Music.
Tatlong buwan matapos ang kanyang pag-alis sa naturang music label ay inihayag na ng aktres na na grateful siya sa dating management dahil malaking tulong ito sa paghanap niya ng kanyang boses bilang babae sa entertainment industry.
Ngunit pag-amin ni Liza, ang kanya talagang layunin kung bakit sumali sa Careless ay gumawa ng sarili niyang team at para i-explore ang kanyang international opportunities.
Sa kanyang naging interview sa Preview Magazine, ipinaliwanag ng dalaga na ang focus rin kasi talaga ng Careless ay music.
Baka Bet Mo: James Reid sa pag-alis ni Liza: It’s her decision to leave
“Careless’ focus has always been on music. The goal was always to build my own team and gradually shift to more international opportunities,” she said. “Through James [Reid] and Jeff [Oh], I was able to find my voice as a woman in entertainment and grow as an artist and entrepreneur in ways I could’ve never imagined,” saad ni Liza.
Sa ngayon ay ang focus pa rin ng dalaga ay anh gumawa ng kanyang pangalan sa Hollywood.
“It can be a lot of work managing all of that, but it’s honestly very liberating knowing that I’m capable of all of it,” she said. “I don’t really think about rejection. I’ve been in this industry long enough to understand how things work… I rediscovered how smart, frank, and brave I could be when I let myself,” pagbabahagi ni Liza.
Inamin rin niya na madalas siyang nakaka-receive ng offer ng “Filipino characters with very stereotypical arcs,” pero pinaalala sa kanya ng kanyang agency na maging patient dahil darating ang tamang proyekto para sa kanya.
“After doing my press runs where I talked about being a Filipina actress, I constantly got offers for Filipino characters with very stereotypical arcs… But my U.S. representatives remind me to be patient and wait for the right project,” sey pa ni Liza.