Nurse patay matapos tadtarin ng mga saksak ng pasyente sa Bohol

Nurse patay matapos tadtarin ng mga saksak ng pasyente sa Bohol

PATAY ang 51-year-old nurse matapos pagsasaksakin ng pasyente bago ma-discharge sa ospital sa Tagbilaran City sa Bohol.

Bukod sa medical staff, nagtamo ng injuries ang 21-year-old utility man na nagtangkang pumigil sa pag-atake ng suspek.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel John Kareen Escober, ang hepe ng Tagbilaran City Police Station, ay agad na sumuko ang pasyente matapos saksakin ang mga biktima.

Nang tanungin daw niya ito kung bakit niya ginawa ang karumal-dumal na krimen, ang sagot sa kanya ay: “He heard something from the nurse that he did not like, that is why he did what he did.”

Nang paalis na ang pasyente, bigla raw itong kumuha ng gunting at sinaksak ang nurse sa leeg, kamay at sa ilan pang parte ng katawan.

Baka Bet Mo: Pope Francis may bininyagan sa ospital kahit nagpapagaling pa, posibleng ma-discharge ngayong April 1

Sinubukan daw pigilan ng utility man ang umaatake, pero siya rin ay nadamay at mabuti na lamang hindi “severe” ang tinamo niyang mga sugat.

Ang suspek ay kinilalang si Marlito Linguis, 31 years old, residente ng Brgy. Magsaysay ng Sevilla, Bohol.

Ayon sa hepe, na-confine si Linguis sa ospital kasama ang pitong iba pang indibidwal dahil sa “loose bowel movement” (LBM) matapos kumain ng pork dinuguan.

Nabanggit din ni Escober na nalaman niyang dating drug surrenderrer ang suspek noong 2017.

Posible raw na may impluwensya ng ilegal na droga ang suspek bago ang insidente dahil nito sinagot ang kanyang tanong kung kailan siya huling gumamit nito.

“There is a tendency that he used (illegal drugs) at first. He (the suspect) also did not answer when he last used illegal drugs,” saad ng Tagbilaran City police chief.

Dagdag pa, “He showed remorse but his face was blank, there was no emotion.”

Si Linguis ay kasalukuyang naka-detain sa custodial facility ng nasabing police station at siya ay sasampahan ng patong-patong na kasong murder at physical injury.

Read more...