BTS J-Hope tapos na sa military service sa Korea, fans nagbunyi

BTS J-Hope tapos na sa military service sa Korea, fans nagbunyi

PHOTO: Instagram/@uarmyhope

THE wait is over para kay K-Pop megastar J-Hope dahil natapos na niya ang South Korean military service makalipas ang 18 months o isa’t kalahating taon.

Ang nakakatuwa pa, may kanya-kanyang gimik ang fans upang ipagdiwang ang milestone na ito ng Korean idol.

Kung matatandaan, taong 2022 nang magsimulang magpahinga sa music industry ang boy band dahil kailangan nilang sumabak sa military service.

Sa kanilang bansa, ito ay “mandatory” sa lahat ng kalalakihan na hindi lalampas sa edad 30.

Paglabas ng main dancer sa gate, siya ay mainit na sinalubong ng isa pang member ng BTS na si Jin na katatapos lang din ng military service noong Hunyo.

Baka Bet Mo: Mga miyembro ng BTS nag-renew ng kontrata sa Big Hit Music

Sa labas ng kampo ni J-Hope, makikita ang makukulay na banners na ibinandera ng kanyang fans.

Mababasa riyan ang mga katagang: “The sun is finally shining upon ARMY” at “My bank account! It’s ready to go straight to J-Hope!”

Bukod diyan, may inihanda rin silang life-size cut out ni J-Hope na may giant balloon na inihayag ang kanilang “congratulatory” message.

Nauna nang inabisuhan ang fans na kung sana ay huwag nang magpunta sa military unit ng Korean star para na rin sa kaligtasan nito at ng mga nandoon.

Ngunit may mga nagpunta pa rin doon dahil sabik na sabik na silang makita ang kanilang iniidolo –may mga nagmula pa sa China at Brazil.

May ilang grupo rin ng Japanese na nag-rent pa ng bus upang mapuntahan ang kampo ni J-Hope.

Ang BTS ay nakatakdang makumpleto at magbalik sa music industry sa taong 2025.

Samantala, inanunsyo ni Jin na magri-release na siya ng kauna-unahan niyang solo album sa darating na Nobyembre.

Read more...