Pinoy celebs nabigla, nalungkot sa biglang pagpanaw ni Liam Payne

Pinoy celebs nabigla, nalungkot sa biglang pagpanaw ni Liam Payne

Liam Payne, Francine Diaz, Bela Padilla, Andrea Brillantes, Jayda

TILA buong mundo ang nagluluksa sa biglang pagpanaw ng dating One Direction member na si Liam Payne.

Magugunitang idineklara siyang “dead on the spot” matapos mahulog sa ikatlong palapag ng isang hotel sa Buenos Aires sa Argentina.

Ayon sa mga awtoridad, nagtamo si Liam ng “extremely serious injuries” kaya ito tuluyang sumakabilang-buhay.

Dahil sa insidente, marami ang talagang nabigla sa malungkot na balita na ito at kabilang na riyan ang ilang Pinoy celebrities at personalities.

Isa na riyan ang anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin na aminadong hindi makapaniwala sa sinapit ng English star.

Baka Bet Mo: Ian Veneracion ikinumpara kina Liam Neeson at Keannu Reeves, kering-keri pa ring makipagbakbakan

“I can’t even put into words how much these boys mean to me and how much they’ve influenced who I am today,” chika niya sa isang Instagram Story, kalakip ang throwback picture ng boy band.

Wika pa niya, “Shocked, heartbroken, and devastated hearing about Liam’s passing. I can’t believe this is real [heart broken emoji].”

PHOTO: Instagram Story/@loringabriella

Ibinandera rin ng Kapamilya actress na si Francine Diaz ang kanyang nararamdaman kaugnay sa nangyari.

Sa IG Story, shinare niya ang art card ng obituary ni Liam mula sa American entertainment news na Page Six at kalakip niyan ang tatlong heartbroken emojis.

PHOTO: Instagram Story/@francinesdiaz

Wasak din ang puso ng actress-director na si Bela Padilla at inihayag ang kanyang pag-aalala sa naiwang anak ng late singer.

Para sa mga hindi aware, si Liam ay may isang anak mula sa dating girlfriend at musician na si Cheryl Cole.

Ang caption ni Bela sa isang IG post, “Thinking of Liam’s son right now [sad emoji].”

PHOTO: Instagram Story/@bela

Mukhang nagluluksa din ang young actress na si Andrea Brillantes na tulad ni Francine ay may shinare siyang sad news tungkol sa pagkamatay ni Liam at naglagay siya ng isang sad emoji at isang heartbroken emoji.

PHOTO: Instagram Story/@blythe

Gayundin ang ipinost ng singer-actress na si Jayda sa kanyang IG Story at may caption na, “My directioner heart is sad [sad emoji].”

PHOTO: Instagram Story/@jayda

Read more...