NAPALITAN na agad si Sunshine Guimary bilang abogada ng pamilya Caballero sa “FPJ’s Batang Quiapo?”
Napanood pa namin ang huling eksena nila ni David played by McCoy de Leon sa bahay ng mga Caballero para alamin ang nangyari at sinabi nga na ipapatawag ni Sunshine ang pekeng anak ni Christopher De Leon (Ramon Montenegro) para sa last will ni Don Facundo Caballero (Jaime Fabregas).
Kaya siguro hindi ipinapakita kung sino ang kausap ni McCoy sa cellphone tungkol sa mamanahing naiwan ng mga Caballero?
At heto, biglang may anunsyo ang Dreamscape Entertainment sa kanilang Facebook account na, “Kilalanin si Maika Rivera bilang Atty. Vera Saldivar ngayong gabi sa #FPJBQBuenas. Ano nga ba ang magiging papel niya sa buhay ni Tanggol?
Baka Bet Mo: Sunshine Guimary nagsisi sa pa-house tour, sinugod ng stalker: Mahal na mahal daw niya ako!
Sa madaling salita, tsinugi na si Sunshine na nakilala bilang Vivamax star at namatayan ng asawang negosyante na taga-Cebu City kamakailan lang.
Anyway, inalam namin kung bakit nawala o napalitang umalis si Sunshine Guimary sa “Batang Quiapo.”
“Hindi po makasabay sa acting ni David (McCoy),” kaswal na sagot sa amin ng Dos.
Ay oo naman kailangan talaga magaling umarte ang makakaeksena ni McCoy kundi lalamunin siya nito.
In fairness, gumaling nang umarte si McCoy sa BQ at nakikipagsabayan siya sa lahat kahit pa beteranong artista kaya siguro hindi siya nawawala dahil kailangan ng mahusay na kontrabida.
***
Nakiisa ang MTRCB sa “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” para sa mga Manggagawa sa Paglikha bilang pagsuporta sa mga manggagawa ng pelikula, telebisyon at mga kaparehong sangay.
Ang event ay naganap sa Philippine Sports Complex sa Pasig City noong October 13-14.
Ang programa ay handog ni Pangulong Bongbong Marcos para sa mga manggagawa sa industriya ng paglikha.
Baka Bet Mo: Baguhang sexy star na si Sunshine Guimary nabitin kay Ion, pero nag-enjoy kay Jerald
Bukod sa nasabing ahensya, ilan sa mga dumalo ay mula sa organisasyon ng mga aktor, nasa likod ng produksyon at mga manunulat at direktor sa industriya.
Buong pusong sinagot ng MTRCB ang mga tanong ng nasa 200 katao mula sa industriya hinggil sa proseso ng rehistrasyon at iba pang serbisyo ng ahensya.
Namahagi rin ang Board ng mga Information and Education Campaign materials sa mga benepisaryo.
“Kinikilala natin ang malaking ambag ng bawat manggagawa sa industriya ng paglikha. Ang kanilang trabaho ay tunay na napakahalaga sa paghubog ng moralidad at perspektibo ng bawat kabataang Pilipino,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio.
Sinabi rin ni Chair Lala na yayabong ang industriya ng paglikha sa pagkakaisa ng lahat na mapaabot ang tulong at payo sa proseso ng bawat serbisyo ng ahensya.
Nagsilbi rin bilang one-stop shop para sa mga benepisyaryo ang naturang programa na dinaluhan ng nasa 23 ahensya kabilang ang MTRCB, at nagbigay ng aabot sa 100 serbisyo para sa mga lumahok sa BPSF.
Pinuri naman ng Board ang napapanahong pagtulong ni Pangulong Marcos, Jr. kasama ang mga kongresista, sa paggawa ng isang programa na susuporta sa taumbayan partikular na sa industriya ng pelikula at telebisyon.