Vina Morales hiwalay na sa American BF, nganga sa LDR?

Vina Morales hiwalay na sa American BF, nganga sa LDR?

Vina Morales, Andrew Kovalcin

CURRENTLY “single” ang batikang singer na si Vina Morales.

Ito ay matapos niyang aminin sa isang interview na nag-break na sila ng American boyfriend na si Andrew Kovalcin.

Hindi masyadong idinetalye ni Vina ang dahilan ng kanilang pagkakahiwalay, pero ang nabanggit lang niya ay hindi nag-work ang “long distance relationship” o LDR sa kanilang dalawa.

“It just so happened that things didn’t work out. It’s also hard when you’re with somebody who’s far away. ‘Yung LDR na ganyan, it won’t work—I’m talking about myself,” chika niya.

Ibinunuyag niya rin na tatlong buwan na raw siyang single at masaya naman daw siya sa kanyang buhay ngayon.

Baka Bet Mo: Vina Morales pangarap pa ring ikasal balang araw: In God’s perfect time

“Right now, I am not in a relationship but I am happy,” sey ng actress-performer sa panayam.

Patuloy niya, “I am not lonely. I’m content maski walang personal life na gano’n.”

Inamin din ni Vina na umaasa siyang may nakatadhanang lalake para sa kanya, ngunit hindi pa niya ito priority ngayon.

“Well there’s always somebody for you, but maybe at this point in my life, hindi sila ‘yung priority ko,” sambit niya.

Dagdag pa ng batikang mang-aawit, “I always believe na there’s someone for you. At this time, wala pa.”

“I’m very optimistic that I’ll find someone who’s really for me. Right now kasi, okay lang ako na wala,” aniya pa.

Kung matatandaan, taong 2022 nang magsimulang mag-date sina Vina at Andrew.

Noong 2023 naman nang mahkwento ang singer na 21 years ago pa sila nagkakilala ng ex-boyfriend sa Hawaii.

At muli raw silang nagkita at nagkasama noong 2022 nang magkaroon ng US concert tour si Vina.

Read more...