One Direction member Liam Payne patay matapos mahulog sa 3rd floor ng hotel

One Direction member Liam Payne patay matapos mahulog sa 3rd floor ng hotel

PHOTO: Instagram/@liampayne

SHOCKING ang naging balita tungkol kay Liam Payne, ang dating miyembro ng English boy band na One Direction.

Natagpuan kasi siyang patay matapos mahulog sa isang hotel balcony sa Buenos Aires sa Argentina.

Base sa initial report ng local police, si Liam ay nahulog sa ikatlong palapag ng Casa Sur Hotel na kung saan ay nagtamo siya ng “extremely serious injuries.”

May mga dumating agad na medics, pero kinumpirma nilang ito ay “dead on the spot.”

Baka Bet Mo: Pinay fan na naaksidente, nagmakaawa sa One Direction

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ang insidente upang matukoy kung ito ay sinadya o aksidente lamang.

Isinasagawa na rin ang autopsy sa bangkay ng English singer-songwriter.

Ayon sa mga ulat, si Liam ay nagpunta ng Argentina upang magpakita ng suporta sa concert ng isa pang ex-member ng nasabing banda na si Niall Horan.

Para sa mga hindi aware, si Liam ay may isang anak mula sa dating girlfriend at musician na si Cheryl Cole.

Bukod sa 7-year-old son, ang mga naiwang mahal na buhay ng singer ay ang kanyang mga magulang na sina Geoff and Karen Payne, pati na rin ang dalawa niyang kapatid na sina Ruth at Nicola.

Read more...