JK Labajo inalala ang namayapang ina; susugalan ni Sylvia Sanchez

JK Labajo inalala ang namayapang ina; susugalan ni Sylvia Sanchez

Sylvia Sanchez at JK Labajo

PANGARAP ng bawa’t mang-aawit na makapag-perform sa malalaking venue tulad ng Araneta Coliseum, SM Mall of Asia Arena at Philippine Arena lalo na kung ipinagdiriwang nila ang kanilang anibersaryo sa industriya.

Sa ginanap na mediacon para sa “juan karlos LIVE” concert ni JK Labajo sa Sentro Artista Drive, Quezon City ay nagpapasalamat ang binata sa kanyang producer na si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios.

Susugalan kasi siya ng production company ng pamilya Atayde kasabay ng kanyang ika-10 anibersaryo sa entertainment industry mula nang makuha niya ang ikatlong puwesto sa unang season ng “The Voice Kids.”

Pero nagbalik-tanaw si JK sa pagsali niya noon sa “TVK”. Isa sa mga bonding nila ng mama niya noong nabubuhay pa ito ay ang panonood ng programa at wish daw ng kanyang nanay na makita siyang kumakanta sa show.

Baka Bet Mo: JK Labajo sa mga bumabanat sa Leni-Kiko Pasay rally: Imagination lang po namin lahat ‘yun

Hanggang sa sinubukan nga niyang mag-audition sa “TVK” na hindi pa siya masyadong seryoso dahil gusto lang din niyang ipakita ang talent niya.

Napanood nga namin ang audition ni JK at ang chill nga niya habang kinakanta ang “Grow Old With You” at nagpapa-cute sa mga hurado.


Sayang nga raw at hindi na siya nakita ng ina nang mag-audition lalo na ang pagkakaroon niya ng career sa music industry pero masaya pa rin daw siya dahil nandiyan pa rin ang lola niya na tuwang-tuwa sa kanyang achievements.

“She would push me to do all of these things that she thought would be best for me. My Lola is really that one constant in my life.

“She was really happy when she found out and then she started doing her TikTok dance. After that, nanghingi ng maraming tickets kasi marami siyang gustong bigyan na fans who supported me.

“She’s always there, especially online. Siya lagi ang nakikipag-usap sa supporters. Masaya si Lola. Super saya niya,” nakangiting kuwento ng binata.

Gaganapin ang “juan karlos LIVE” sa November 29 sa  SM Mall of Asia Arena kaya naman excited na ang magaling na mang-aawit dahil hindi niya naisip na magko-concert siya sa MOA.

“Dati kasi kahit saan puwede akong kumanta, hindi naman ako namimili basta kakanta ako. Ilang beses akong inoperan ni tita Sylvia, sagot ko lagi ‘saka na, wag muna.’

“Kasi feeling ko hindi pa ako ready. Tapos inulit niya ulit sabi niya ‘handa ka na.’ Naisip ko puwede na and I’m so thankful for tita Sylvia,” say ni Juan Karlos na kilala rin bilang actor.

At ngayong um-oo na siya ay talagang nagulat siya dahil lahat ay pinaghahandaan ng production.


“The concert’s production team is working hard to polish all the elements needed in order to provide the greatest possible concert experience for everyone. Of course, they’ll hear and see me perform my hits as well as a few songs that have influenced me as an artist,” kuwento pa ng singer.

Sold-out na nga raw ang SVIP section kaya nagulat ang binata nang ianunsyo ito sa mediacon.

Pagkatapos ng mediacon ay nakausap si Juan Karlos tungkol sa nakasabayan niya sa “The Voice Kids” at masasabing kaibigan niya talaga noon na hindi na ngayon dahil nagkaroon sila ng gusot, si Darren Espanto.

Mahigit anim na taon na ang nakalipas ay hindi pa rin sila okay ng dating kaibigan pero open naman daw siya na magkaayos sila.

“It’s not something I wanna talk about, definitely. It’s not something that’s part of my day to day thoughts.

“Ako naman, on my end, without mentioning anybody, it’s really we’re all grown-ups here and ako, more than anything, love is what matters most.

“So, alam mo ‘yun, my door is open wide in terms of. Diyos ko naman, talagang magi-stress pa ba tayo sa mga ganyang drama? Ang dami kong drama sa buhay,” napangiting sambit ni JK.

Dagdag pa, “I’ve always been fine, actually, I’ve always been open, I’ve always been kind and I will never speak on other people’s behalf. For my end, ako, there’s nothing negative on my end.”

Open ba siyang magkaroon ng collaboration with Darren, “Again not talking about somebody, mentioning anybody specifically but we have amazing artists here and we have amazing performances and all of these issues ang things aside, it doesn’t take away that kind of talent and skills that these people have.”

May offer nga ba, “It’s always there. But then again, more than anything it’s really time that heals all wounds. It’s really time and growth that heal all wounds.”

Sabi pa ni JK na para sa kanya ay tapos na ang issue nila ni Darren.

“And again, in relation to this topic, anything for my end, I’m open and I am way past all of those things and now, I’m just really focused on the concert,” pahayag pa ni Juan Karlos.

Samantala, ang dami palang guest sa “juan karlos Live” at may mga surprise pa na ayaw pang sabihin para may aabangan ang lahat ng manonood sa November 29 sa SM MOA Arena na ang magdidirek ng show ay si Paolo Valenciano at si Karel Honasan naman ang musical director.

Read more...