BINALAAN ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo ang publiko laban sa mga vloggers at content creator na naglalabas ng fake news tungkol sa kanyang pamilya.
Nag-post si Zanjoe sa kanyang official Facebook account ng warning tungkol sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon at pekeng balita sa social media.
May mga netizens kasi na nagpo-post sa socmed ng mga litrato at video ng umano”y baby ni Zanjoe at ng misis niyang aktres na si Ria Atayde.
Ni-reshare ni Zanjoe ang isang post na naglalaman ng paglilinaw tungkol sa fake news tungkol sa anak nila ni Ria.
Baka Bet Mo: Zanjoe Marudo ibinandera na ang relasyon nila ni Ria Atayde, pero wala pang balak magpakasal: ‘Masyado pang maaga’
“Hindi pa nag face reveal ni Baby Marudo sina Zanjoe at Ria. Patuloy pa rin may gumagamit ng mga pictures na kunwari anak nila.
“Sa mga bloggers, huwag kumita sa false information. Sa mga readers or viewers huwag maniwala kung HINDI RELIABLE ang mga sources,” ang mababasa sa nire-post ni Zanjoe.
Ang nakalagay naman sa caption ng aktor, “Please be guided accordingly. There are irresponsible bloggers using misinformations just to earn.
“They mislead readers and viewers with their clickbaits,” aniya pa.
Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa post ni Zanjoe.
“Inuunahan na ng mga epal..kaya sa page ni toh lang ako naniniwala HAHAHA!”
“Ganyan din sa anak ni Maja Salvador dami na lumalabas eh d pa rin naman sila nag fe face reveal ng face ni Maria may ma I content lang.”
“Dami din naniniwala sa mga bloggers na yun.. dami pa nga views.”
“Kaya nga pag Hindi talaga si Zanjoe Marudo at Ria Atayde ang nagpost Hindi ako maglilike or mag heart.”
“Sus, nagmamadali pa sila sa may anak. Ano ba kayo wag nyong pagkakitaan yan.”
“Ganyan din sa anak ni Maja Salvador dami na lumalabas eh d pa rin naman sila nag fe face reveal ng face ni Maria may ma I content lang.”