Lovi pang-best actress sa Guilty Pleasure; pwet ni Jameson bumandera

Lovi pang-best actress sa Guilty Pleasure; pwet ni Jameson bumandera

Jameson Blake, Lovi Poe at JM de Guzman

PARA sa amin, ang “Guilty Pleasure” nina Lovi Poe, Jameson Blake at JM de Guzman ang pinakamagandang pelikulang Pinoy so far ngayong 2024.

Napanood na namin ang buong movie kagabi sa ginanap na premiere night sa  SM The Block cinema na dinaluhan ng buong cast at ng ilang celebrity guests.

Super agree kami sa sinabi ng direktor ng pelikula na si Connie Macatuno na more than the sex scenes, mas lulutang pa rin ang napakahusay na performance nina Lovi, Jameson at JM.

At hindi lang yan, talagang muling pinatunayan ni Direk Connie na kayang-kaya ng mga Filipino filmmakers ang makagawabat makabuo ng isang de-kalibreng pelikula na pwedeng ilaban sa mga foreign films hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Baka Bet Mo: Jameson Blake itinangging may relasyon sila ni Heaven Peralejo: We’re not together

In fairness, para kaming nanonood ng isang international movie kagabi dahil sa husay ng latest offering ng Regal Entertainment at ng pag-aaring film company ni Lovi na C’est Lovi Productions.

Napakagaling ni Lovi sa “Guilty Pleasure”, para sa amin ito na ang kanyang best movie ever. Nabigyan niya ng sobra-sobrang hustisya ang karakter niya bilang si Atty. Alexis Miranda na nagtanggol sa isang rape suspect played by Kapuso youngstar Dustin Yu.


Mula simula hanggang ending ay consistent ang performance ng aktres at singer — mula sa pag-iyak, sa pagbitiw ng mga dialogue bilang abogada, hanggang sa pagiging rape victim. Talagang super clap kami sa bawat highlights ng movie.

Ito rin ang pinaka-daring na pelikula ni Lovi na nag-uumapaw ang kaseksihan sa kabuuan ng pelikula, nakakaloka ang mga love scene niya with her two leading man na sina JM and Jameson na game na game ring nagpakita ng kanilang pwet sa movie.

Kaloka pati nga ang pwet ng dalawang aktor ay tinilian at pinalakpakan ng manonood. Yes, may bonggang butt exposure sina JM at Jameson sa “Guilty Pleasure” – pero bahala na kayo kung kaninong pwet ang mas matambok af mas makinis.

Magaling din sina Jameson at JM sa “Guilty Pleasure”, pinatunayan nila na hindi nagkamali ang Regal Entertainment at C’est Lovi Productions sa pagpili sa kanila para makasama ni Lovi sa movie.

At siyempre, pak na pak at agaw-eksena rin ang mga OOTD ni Lovi sa kabuuan ng pelikula. May nagkomento pa nga na para rin siyang nanonood ng hit Netflix series na “Emily in Paris” ni Lily Collins.

“Guilty Pleasure is about the complex emotions that you feel when you are faced with the struggle kung anong pipiliin mo – what is right or what your heart desires.

“Kasi minsan alam mong bawal, alam mong masama, pero masarap kaya gagawin mo pa rin,” ang paglalarawan naman ng writer ng movie na si Noreen Capili.


Sabi naman ni Direk Connie, “Maraming sensual moments kasi pelikula ng babae. Asahan mo na ‘yun. May kurba, malambot, mabango, kaya sensual siya.

“However, iba-iba naman ng views ang kasama mo sa isang kuwarto kung ano ang sensual o hindi. Lahat ng intimate scenes na ginawa namin sa film were carefully thought of.

“Babae ito, eh. Gusto niya marinig yung boses niya. She wants her voice to be heard and at the same time she is a feminine woman, who’s nurturing, who’s loving, who’s gentle, but she knows what she wants.

“That is what I want women to recognize and see: to see the strength of this character, to see the strength of them as they watch the film,” pahayag pa ni Direk Connie.

Tinanggap daw ni Lovi ang movie dahil sa, “The story. I remember when I read the script, it was something that I said. ‘It’s a bit risky’ kasi it’s a story that’s never been talked about, I believe.

“So parang ako, of course, I’m always there to entertain when we release films, to entertain, make people happy, magpakilig. But this one, we are here to spark a conversation and that’s for me, I was blown away,” aniya pa.

“There’s something that needs to be talked about. I think that’s one of the reasons why this film would be very relevant,” dagdag pa ni Lovi Poe.

Showing na ngayon. October 16, sa mga sinehan nationwide ang “Guilty Pleasure” produced by Regal Entertainment and C’est Lovi Productions. Ka-join din sa movie sina Dustin Yu, Sarah Edwards at Angelica Lao na pasadung-pasado rin sa aktingan.

Read more...