Pia: Simpleng comment pwedeng mauwi sa panghuhusga, matinding away

Pia: Simpleng comment pwedeng mauwi sa panghuhusga, matinding away

Pia Wurtzbach

NAPAKAHIRAP ng buhay ng isang artista at celebrity lalo na kapag naging sentro ng pambabatikos at pangnenega ng mga netizens, sey ni Pia Wurtzbach.

Naglabas ng kanyang saloobin ang beauty queen-actress tungkol sa nararanasan at natatanggap niyang pagpuna at kritisismo mula sa mga nasa social media.

Feeling ni Pia na kinikilala na rin ngayon bilang isang fashion icon at influencer, bawat kilos niya ngayon ay mas binabantayan at tinututukan para hanapan siya ng sablay at pagkakamali.

Sinagot ni Pia ang tanong mula sa Italian fashion house na, “What seems easy for others but is hard for you?”

Baka Bet Mo: Kaila Estrada hindi lang basta anak ni Janice: Napakahirap pala!

“Being a public figure comes with benefits and challenges. I’m grateful for the opportunities and appreciate the support from my audience, but navigating public scrutiny can be tough,” simulang sagot ni Miss Universe 2015.


Ayon kay Pia, may mga pagkakataon na ang isang simpleng komento ng netizen sa isang socmed post ay maaaring pagmulan at pag-ugatan ng “misunderstanding” at bangayan ng mga supporters ng mga celebrity.

“A simple comment can lead to intense judgment and heated arguments online, making it overwhelming and hard to balance authenticity with expectations.

“A quick look at my comment section reveals the extent of that,” pahayag pa ng aktres at beauty queen.

Sa follow-up question kay Pia kung ano ang natutunan niya sa lahat ng mga karanasang niyang ito, pinakamahalaga pa rin ang pagiging totoo sa sarili at sa publiko.

“Ultimately, staying true to yourself is what matters,” sagot ni Pia.

Maraming sumang-ayon sa mga naging pahayag ni Pia at sinabing bilib sila sa pagpapakatotoo at pagiging sincere ng beauty queen sa lahat ng kanyang mga ginagawa sa buhay at career.

Komento ng isa niyang supporter, “When you are way up there, people will always have something to say. Some nice words of encouragement and well wishes but some would be not so nice ones.


“Haters and bullies would try to malign and bring you down especially when they perceive you to be a threat or a rival.

“They will like you only when they don’t see you as a threat but it would be a different story when you’re performing beyond their expectations.”

Sey ng isa pang netizen, “Stay always humble and grounded Queen P and just work in silence. For the less you say the more your words will matter. Keep soaring and winning.”

Nasusuong sa kontrobersya ngayon si Pia dahil sa pang-iintriga sa kanila ng international fashion icon na si Heart Evangelista.

Parehong um-attend ang dalawang celebrity sa ginanap na Paris Fashion Week kamakailan. Pinag-aaway ngayon ang dalawa ng kani-kanilang supporters kaya naman siguradong may tensiyon nang namamagitan sa kanila.

Read more...