MAS mature at mas intense ang tema at kuwento ng pelikulang “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Iyan ang chika ng dalawang lead stars ng inaabangang part 2 ng una nilang blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye” mula pa rin sa Star Cinema.
Sa panayam ni MJ Felipe sa KathDen noong nagsu-shooting pa lang ang mga bida ng “HLA” sa Calgary, Canada ay natanong sila kung anu-ano ang mga hinarap nilang challenges sa bago nilang location kung saan sila namalagi ng dalawang buwan.
Sabi ni Alden, “I think ‘yung weather, weather’s a big dilemma sa amin especially exterior scenes.”
Baka Bet Mo: Liza, Enrique muntik nang bumida sa ‘Hello, Love, Goodbye’
Para naman kay Kath, “Biggest challenge so far ‘yung buwelo for me. Medyo nahihirapan akong bumwelo kasi my last project was ‘A Very Good Girl’ pa, and then I didn’t do anything aside from TVCs and digital shoots, medyo nag-adjust lang ako.”
Ngunit sabi nga nina Alden at Kathryn, nandiyan palagi ang direktor nilang si Cathy Garcia Sampana, para i-guide sila sa bawat eksenang napakahirap itawid at bigyan ng hustisya.
“All the Filipinos here are very supportive, and the team we feel so much love here in Calgary,” sabi ni Alden.
“So much love from Calgary especially from the Filipino community here, like today part yung iba ng scenes,” sey naman ni Kathryn.
Samantala, napakalaki raw ng pagkakaiba ng “HLG” sa “HLA” lalo na sa pag-atake sa kanilang karakter bilang sina Ethan at Joy. Bukod pa nga sa magkaibang bansa kinunan ang dalawang movie.
Esplika ni Alden sa naturang panayam, “Parang sobrang iba from the first, difference ng script and storytelling, napakalayo from the first. Sobrang up a notch doon sa original story.”
Inamin naman nina Kath at Alden na mas naging close pa sila while filming in Canada at in fairness, mas marami na rin daw silang napag-uusapan ngayon kesa noong magsama sila sa una nilang pelikula.
“Yes, mas familiar, mas comfortable,” sabi ng Asia’s Multimedia Star.
Ayon naman kay Kathryn, “’Yun ‘yung sakto I think sa story din, kasi sa first part doon lang naman nag-meet si Joy at Ethan then how many years fast forward here we are again doing the part 2 so sakto din ‘yung dynamics namin ngayon and where we are now sa hinihingi ng ‘Hello Love Again’.”
Sa tanong naman ni MJ kung gaano na sila ka-close ngayon, unang sumagot si Alden, “Parang ngayon nga nag-uusap kami ni Kath everytime na kaming dalawa lang na ngayon lang talaga namin nakilala ang isa’t isa.
“Kasi before ‘HLG’ wala namang chance to really talk to each other. Mas comfortable, mas familiar like I said, ‘yun ‘yung parang nagiging way namin to make this film even more effective than the first part,” dagdag ng “Pulang Araw” actor.
Ayon naman kay Kath, “I think safe to say na compared to ‘Hello, Love, Goodbye’ to ‘Hello, Love, Again’ parang medyo malaki ang change nu’n kasi iba ‘yung naging set-up then.
“Sa working environment kasi iba din naman kung paano kami ngayon tapos mas nakilala ko na over the years so if we’re talking about comfortability, nandu’n kami sa stage na very comfortable na we can talk about anything,” paliwanag pa ng dalaga.
Mapapanood na ang “Hello, Love, Again” sa mga sinehan nationwide simula sa November 13. Kasama rin sa movie sina Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Lovely Abella, Valerie Concepcion, Jennica Garcia at marami pang iba.