Michelle Madrigal todo pasalamat kay Lord sa pagdating ng ika-2 asawa

Michelle Madrigal todo pasalamat kay Lord sa pagdating ng ika-2 asawa

Michelle Madrigal, Kelvin Neal at Anika

FEELING ng dating aktres na si Michelle Madrigal ay ibinigay na sa kanya ni Lord ang taong nais niyang makasama sa habangbuhay.

Muling nagbahagi ng appreciation post si Michelle para sa pinakamamahal niyang non-showbiz husband na si Kelvin Neal.

Ibinahagi ng hindi na aktibong aktres ang isang short video clip sa kanyang Instagram page kung saan makikita ang bonding moments nila ng asawang si Kevin at anak niyang si Anika.

Sa mga magtatanong nating mga ka-BANDERA, si Anika ay anak ni Michelle sa una niyang mister na si Troy Wollfolk.

Baka Bet Mo: Michelle Madrigal handa na sanang maging single forever pero na-in love uli: It’s so freeing to feel like a lady again

Ayon kay Michelle, “answered prayer” ang pagdating ni Kevin sa buhay nilang mag-ina kaya naman wala na raw siyang mahihiling pa dahil dininig na ni Lord ang matagal na niyang panalangin.

Maligaya ang hindi na gaanong aktibong aktres sa piling ni Kevin at nagpapasalamat siya sa pagtanggap ng kanyang ikalawang asawa kay Anika.

Mababasa sa ipinost na video ni Michelle sa kanyang IG ang mga salitang, “POV: GOD answered your prayers.”

Ayon kay Michelle, talagang pangarap niya raw ang magkaroon ng buo at masayang pamilya pero hindi raw naging madali para sa kanya na tuparin ang dream na ito.

Ngunit naniniwala siya na dahil sa palagi niyang pagdarasal ay ipinagkaloob na nga sa ito sa kanya ng Panginoon.

Buong pahayag ni Michelle, “God’s timing is truly perfect.

“I’ve always dreamed of having a family, and while my path hasn’t been a straight one, I know He always provides.

“I may not be exactly where I thought I’d be in life, but I’ve been blessed in ways that matter most.

“A safe, loving home. Health. A man who not only loves me, but who also fears God and has become an incredible stepdad to my daughter.

“The true wealth in life is found in these small, everyday blessings.”

Umani ng mga positive at inspiring comments ang IG post ni Michelle. Narito ang ilan sa mga nabasa namin.

Sabi ng sister niyang si Ehra Madrigal, “You deserve all the blessings and more! Love you!!! (heart emojis).”

Ang komento naman ng aktres ding si Danita Paner, “Happy to see you happy.”

“Congratulations on taking that next step of faith!” ang comment ni Donita Rose.

Sey naman ng isang IG user, “OMG I love your testimony. So so inspiring. Silent fan here ever since your Star circle quest and acting days, I must say, I have been waiting and praying for this to happen. So so happy for you po and for what God has been doing in your life. all married women needs a man of faith to lead our families and to be a part of a safe and loving family. God bless you and protect your marriage.”

Nag-reply namab si Michelle sa kanya, “Thank u so much!!! We all need a man of God in our lives.”

Matatandaang ikinasal si Michelle sa ikalawa niyang asawa noong July 22, 2024.

Read more...