Jon Lucas binanatan ng ilang fans ng SB19: Dami namang namemersonal dito

Jon Lucas binanatan ng fans ng SB19: Dami namang namemersonal dito

Jon Lucas, SB19 at Hashtags

NAGTATAKA ang Kapuso actor na si Jon Lucas kung bakit galit na galit ang ilang fans ng SB19 sa ipinost niyang poster ng grupo sa kanyang social media account.

Gusto lang naman sanang magpasabog ng good vibes ng aktor pero meron at meron pa ring mangnenega at mamba-bash na mga netizens.

Ni-repost ng “Black Rider” star at dating original member ng grupong Hashtags  sa kanyang official Facebook account ang poster ng SB19 mula sa Billboard Philippines.

Ayon kay Jon, nang makita niya ang bongga at glossy pictorial ng P-pop super group at hindi niya maiwasang maalala ang dati niyang grupo na Hashtags na napanood noon sa “It’s Showtime.”

Baka Bet Mo: Jon Lucas niregaluhan ni misis ng brand new car na nagkakahalaga ng P2-M

Narito ang nakakaaliw na caption ni Jon sa kanyang FB post na patungkol sa mga dati niyang kasamahan sa grupo, “Kaya siguro hindi kami nagawan ng ganito dati sa Hashtags, kasi imagine mo si Nikko itatabi kay Zeus edi hanggang leeg.

“Tapos si McCoy naman itatabi kay Luke Conde edi baka hanggang dibdib din. Tapos isipin mo itatabi yung panga ko sa panga ni Tom Olaf Johnson Doromal edi nagkabanggan pa.


“BUGOY hindi na kita isasama at baka itabi ka pa kay Kid magiging Batang Ama pa,” hirit pa ng Kapuso star.

Marami ring napa-throwback na fans sa FB status ng aktor at halos lahat ay nagsabing natutuwa sila dahil may kanya-kanya na ring career ang ilang miyembro ng Hashtags, kabilang na nga sina Jon, Nikko, Zeus, Luke, McCoy at iba pa.

Pero as expected, meron pa ring nakasingit na mga “negatron” sa post ni Jon. May mga nagkomento na huwag daw ikumpara ang Hashtags sa SB19 dahil malayung-malayo na narating nina Stell, Pablo, Josh, Felip at Justin habang nabuwag na ang grupo nina Jon.

“Di talaga kayo malalagay sa billboard kasi hindi kayo sabay sabay sumayaw eh.”

“Hinde talaga kayo ginanyan kc una wala talaga kayong talent sa pag sayaw at pag kanta. Mukha lang puhunan nyo. buti di tumagal grupo nyo.”

“PANO KAYO MAG BBILLBOARD EH DI KAUO SABAY SUMAYAW.”

“HAHAHAAHAHAAHAHAHA naaalala ko naman yong pagkakalat niyo dat time.  boooseeeet!! sana may version kayong ganyan, atleast kahit sa ganitong sitwasyon sabay sabay na kayo, i mean pantay pantay!! HAHAHAHAHA.”

Sinagot naman ng Kapuso actor ang mga bashers, “Ang dami naman namemersonal dito wala naman kami sinabing masama sa kanila. Kagrupo ko pa nga napasama eh.”

Read more...