Kyle Echarri bakit nga ba solong lumipad papuntang Spain?

Kyle Echarri bakit nga ba solong lumipad papuntang Spain?

Kyle Echarri at ang mga kapamilya sa Spain

NAG-EXPLAIN ang Kapamilya actor at singer na si Kyle Echarri kung bakit siya nagpunta nang mag-isa patungong Spain.

Marami kasi ang nagtataka kung bakit lumipad pa-Spain si Kyle, e, ipinanganak siya sa Orange County, California at pinalaki roon ng kanyang inang Cebuano na si Marie at Amerikanong amang si Joe hanggang sa mapunta na siya sa Pilipinas.

Pero ayon sa Kapamilya star, may mga kamag-anak din sila sa Spain kaya nang magkaroon ng pagkakataon ay binisita niya ang mga ito na never pa niya nakikita at nakikilala ever.

Baka Bet Mo: Liza agad na lumipad patungong Amerika, humiling na sana’y maabutan pang buhay ang lola

Nag-share si Kyle ng mga photos na kuha sa pagbabakasyon niya sa Spain kung saan makikitang kasama niya ang kanyang mga relatives doon.

“The real reason I came alone to Spain was to meet my family I’ve never connected to before.


“The Echarri’s come from a beautiful town called San Sebastián and I couldn’t have been happier to get to know my Tio Abuelo, Tio, Tia, and my primos,” ang bahagi ng isinulat na caption ng binata sa kanyang IG post.

Patuloy pa niya, “Such beautiful hearted people that truly love me like their own. Thank you for taking care of me for the past two days.

“One thing I could say is Los Echarri son los mismos dondequiera que vayas. So beautiful to be taken care of as family even if we’ve never met or talked before.

“Gracias mi familia hasta que te vuelva a ver (Thank you my family until I see you again),” mensahe pa ni Kyle.

Habang nasa Barcelona, naisipan din ni Kyle na ipa-tattoo ang mga mata ng pinakamamahal niyang kapatid nabsi Isabella na pumanaw noong April, 2023.

Sa hiwalay niyang post sa Instagram ipinakita ni Kyle ang litrato ng bago niyang tattoo sa likod. Aniya sa caption, “My angel has already been looking over her Manong for a while now… now I can say she’ll be looking over me forever.”

Read more...