Rey, Marco bilib na bilib din sa BINI: Magtatagal sila kung…

https://bandera.inquirer.net/351444/xyriel-manabat-may-pa-dyowa-reveal-sa-tiktok-pero-binasag-agad-ng-basher-bat-yarn

Rey Valera, Marco Sison, Andrea Gutierrez at Elisha

KAHIT ang mga OPM icon na sina Rey Valera at Marco Sison ay bilib na bilin din sa kasikatang tinatamasa ng super P-pop group na SB19 at BINI.

Naniniwala ang dalawang award-winning veteran singer na napakalaki ng naiaambag ng dalawang grupo sa mas lalong ikaaangat at ikabobongga ng OPM hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Nakachikahan ng mga miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at ilan pang piling showbiz writers kamakailan sina Marco at Rey sa presscon ng kanilang upcoming major concert na “Ang Guwapo at Ang Masuwerte”.

Baka Bet Mo: PJ Abellana hindi pa rin kinakausap ni Carla: ‘Honestly, hindi talaga nagtapat sa akin ang aking anak’

Magaganap ito sa November 22 sa Music Musem kung saan makakasama nila ang mga promising new young singers na sina Andrea Gutierrez at Elisha. Ito’y mula sa direksyon ni Calvin Neria produced by Echo Jham.

Sa isang bahagi ng presscon ay natanong ang dalawang beteranong OPM singer kung ano ang saloobin nila sa pagsikat nang todo ng mga P-pop group tulad ng BINI.

Sagot ni Marco, “I love BINI. I love their music. Alam mo, ang feeling ko sa BINI, magse-set siya ng panibagong trend for a girl group. Finally, may sisikat na girl group, and that’s BINI.


“Individually, they are very good. They can dance, they can compose, and they can sing. I support them and I love them,” sey pa ng OPM legend.

Para naman kay Rey, “Sa lahat ng grupo na katulad ng BINI na sumisikat, alagaan ang pride o ego.

“Kung may kaunting problema, pagpasensyahan at palampasin. Talagang ganu’n. Kapag naka-survive sila sa kahit anong conflict, magtatagal sila,” aniya pa.

Hindi rin nagdamot si Rey sa pagbibigay payo sa mga singer-songwriter ngayon,  “Ang tip ko sa songwriters ay ilagay niyo ‘yung sarili niyo sa kapwa niyo. Put yourself in someone else’s shoes. Ilagay mo ang sarili mo sa kapwa mo para hindi puro istorya mo ang lumabas sa gawa mo.”

Sabi pa ni Rey, “Mahirap gumawa ng kanta na hindi naman maririnig. What I’m trying to say is may maganda ka ngang kanta, wala namang nakakaalam kung ano ‘yan.

“Ngayon, kung may support ‘yan, kahit hindi ‘yan kumita, siguradong darating ang panahon na may mga batang makaka-pickup niyan at gagawan nila ng versions ‘yan.”

“Ang kanta, may sarili siyang buhay at gumagawa siya ng sarili niyang history. Ayaw niyang mamatay. Gusto niyang mabuhay,” dagdag pa ng OPM icon.

Sey naman ni Marco, “Alam mo, ang Pilipino, kahit anong klaseng kanta ‘yan, sentimental ‘yan. You can’t go wrong with love songs. Whatever it is kung mabilis, mabagal, modern, upbeat, mas straight forward.”

With the rise of many artists, how important branding is for them to make a mark in the music industry?

“Nu’ng panahon namin, bahala ka sa sarili mo. Gagawa ka ng sarili mong brand. Kailangan mong mag-survive,” Valera said.

Sison added, “Branding is just a guide, ‘yung path na susundin mo. Pero siyempre it’s up to the audience pa rin, to the fans, to the buying market. Mayroon talagang walang kakuwenta-kuwentang kanta pero nagugustuhan.”

Sa magaganap nilang “Ang Guwapo at Ang Masuwerte” concert, siyempre may mga inihanda silang mga bongggang pasabog para sa kanilang mga supporters.

“Meron kaming surprise number na P-pop number, ganyan. Pero surprise ‘yun, hindi namin sasabihin. Kasi kami, sure na masu-surprise din kami!” natawang sey ni Rey.

“Mala-SB19? SB-senior!” ang hirit naman ni Marco.

May isinulat ding bagong kanta si Rey na aniya’y regalo bilang pasasalamat para sa kanilang loyal fans, yan ang “Feeling Guwapo”.

May swapping ding mangyayari sa mga kakantahin nilang track and for the first time ay ikukuwento nila ang mga back story ng ilan sa kanilang hit songs na hindi pa alam ng publiko.

Tulad na lang ng classic hit ni Rey na “Walang Kapalit” na isinulat pala talaga niya para sa mga bading.

Produced by Echo Jham, available na ang tickets para sa “Ang Guwapo at ang Masuwerte” sa Ticket World at Music Museum.

Read more...