Xyriel Manabat rumesbak sa nagsabing pabawasan na ang kanyang boobs

Xyriel rumesbak sa nag-suggest na pabawasan na ang kanyang boobs

Xyriel Manabat

KUNG inaakala n’yong basta na lamang mananahimik ang Kapamilya actress na si Xyriel Manabat laban sa mga body shamer, nagkakamali kayo.

Patol kung patol din ang dalaga sa ilang netizens na nagko-comment ng hindi maganda sa mga litratong ipinopost niya sa social media, lalo na sa kanyang sexy photos.

Tulad na lang ng isa niyang Instagram follower na nagkomento patungkol sa kanyang boobs.

Ang caption ni Xyriel sa ibinandera niyang mga latest photos sa IG kung saan ipinakita nga niya ang  kanyang OOTD, “Less than 5ft to be exact but still slayin.”

Marami ang nag-post ng magagandang comment sa OOTD at sa kaseksihan ng aktres pero may isang netizen ang nag-suggest na kung pwede raw pabawasan na niya ang boobs.

Baka Bet Mo: Angelica Panganiban muntik mag-breakdown bago makauwi sa kanyang mag-ama: Buti umabot ako bago matuluyan

“Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?” ang komento ng netizen. Na hindi pinalampas ni Xyriel at rumesbak ng, “Di ba pwedeng manahimik, parang ang stupid magcomment, e.”


Isa pang IG user ang nag-react ng, “Pinaglihi ka ba sa flower horn?” Na hindi rin pinalampas ng aktres at nireplayan siya ng, “Oo. Ikaw sa putek diba?”

Ipinagtanggol din si Xyriel ng kanyang  fans laban sa mga body shamer.

“Halatang walang pinag aralan oops!”

“Her body, her rules.”

“‘Kuha mo’ is Anna Manalastas fave expression. Unfollow na nga lang at mapapaaway pa yata ako e sa totoo lng wala naman akong pakialam. Kung ako’y nasasagwaan sa nakikita e di unfollow na lng.”

Nag-explain naman ang kinuyog na netizen sa kanyang sumunod na post sa comments section ng IG photo ni Xyriel.

“Miss ko na kc si Momay, she’s gone na. I still watch Momay sa ALLTV. Friday episode was about jj fighting to get the Funland back, and Hilary accusing jj of harassment. I also miss Anna Manalastas. Kuha mo? Tanggapin na lng siguro na wala yung cheerful little girl with her full set of baby teeth.”

Sagot naman ng mga followers ng aktres, huwag na niyang ibalik si Momay sa present world dahil ibang-iba na ang  Xyriel noon sa Xyriel ngayon at hindi kailangang makialam sa katawan ng may katawan.

Read more...