Jillian Ward kinikilig sa mystery guy: Hindi n’ya alam na gusto ko siya

Jillian Ward kinikilig sa mystery guy: Hindi n'ya alam na gusto ko siya

Jillian Ward

INAMIN ng Kapuso young actress at Star of the New Gen na si Jillian Ward na may lalaking nagbibigay-kulay at nagpapakilig ngayon sa kanya.

Ayon kay Jillian, hindi pa raw knows ng tinutukoy niyang guy na gusto niya ito pero may nakapagsabi sa kanya na super crush din siya ng naturang lalaki.

Sa panayam ng “24 Oras” sa lead star ng hit afternoon series na “Abot-Kamay Na Pangarap” na matatapos na this week, ay natanong siya tungkol sa estado ngayon ng kanyang lovelife.

“Wala po akong boyfriend pero minsan kinikilig po talaga ako ngayon,” rebelasyon ni aktres. Ngunit hindi niya binanggit kung sino at kung taga-showbiz ba ang mystery guy.

Baka Bet Mo: Jillian Ward ibinandera ang bonggang sasakyan; tinawag na next ‘Marian Rivera’

“Ito na lang po, so ‘yung gusto ko kasi hindi niya alam na gusto ko siya. Hindi naman po one-sided kasi apparently gusto niya din daw ako pero ‘di ko sinasabi sa kanya na gusto din kita, ganoon,” paliwanag ni Jillian.

Inisa-isa rin niya kung anu-ano ang mga qualities na hinahanap niya sa isang guy na papasa sa panlasa niya na maging future boyfriend.


“Siyempre po God-fearing, gusto ko po very family-oriented. Naniniwala po kasi ako na kung paano niya mamahalin ‘yung family niya, ganoon niya rin po ako mamahalin.

“Gusto ko rin po very honest sa sarili niya at may paninindigan, ayun, ‘yun po ‘yung pinaka-importante para sa akin and hardworking. Gusto ko po ‘yung mabait talaga and ‘yung hindi po siya pretentious,” aniya pa.

Matatandaang na-link si Jillian sa kanyang “Abot-Kamay Na Pangarap” co-stars na sina Jeff Moses at Raheel Bhyria, na pareho siyang sinorpresa ng Valentine’s Day gift last February.

Inamin din ng “Widows’ War” actor na si Matthew Uy na crush niya si Jillian.

Samantala, tutukan ang pagtatapos ng “Abot-Kamay Na Pangarap” sa huling linggo nito sa GMA Afternoon Prime. Bukod kay Jillian, bida rin sa serye sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Pinky Amador, Kazel Kinouchi, Dina Bonnevie at marami pang iba.

Read more...