11 pamilyang Pinoy wagi ng bagong bahay sa ‘Panalo sa ALLTV’

11 pamilyang Pinoy wagi ng bagong bahay sa 'Panalo sa ALLTV'

Camille Villar at ang 2 winner ng bagong house & lot

MAY 11 pamilya ang napaaga ang Pasko ngayong taon matapos manalo ng bagong house and lot sa pagsali sa “Panalo sa ALLTV” promo.

Malaki ang pasasalamat ang ipinahiwatig ng mga nagwagi sa pamunuan ng ALLTV at Vista Land.

Sa isang pagtitipon kamakailan, isa-isa ring ibinigay ni Camille Villar, managing director ng Vista Land, ang mga ceremonial keys ng bahay sa mga maswerteng nanalo ng bahay at lupa.

“Isang masayang pagkakataon po ito para mas mapaganda ang pamumuhay ng ilan sa ating maswerteng kababayan,” ayon kay Camille. “Salamat rin sa inyong patuloy na panonood ng ALLTV.”

Baka Bet Mo: Seth hugot na hugot sa love; Family Feud ni Dingdong mas pinabongga

Naging makabuluhan naman ang pagkasama-sama ng mga nanalo sa Quezon City kung saan sila ay nabigyan ng pagkakataon makilala ang isa’t-isa na pinagbuklod para matupad ang mga pangarap sa tulong ng ALLTV at Vista Land.

Ang mga nanalo ay ang mga sumusunod:

1. Monica Labausa (July 7) – Poblacion, Muntinlupa
2. Benedict Esmenio (July 14) – CAA, Las Piñas
3. Maricris Dela Cruz (July 21) – GenTri, Cavite
4. Flordeline Odiver (July 28) – Valenzuela
5. Marlon Agondez (August 4) – Sto. Tomas, Batangas
6. Jennifer Marquez (August 11) – Malolos, Bulacan
7. Amor Dimalanta (August 18) – Biñan, Laguna
8. Reinera Belista (August 25) – SJDM, Bulacan
9. Romeo Andrade (September 1) – Magalang, Pampanga
10. Genalyn Tizon – Antipolo City
11. Lilian De Guzman (September 15) – Taguig

Abangan ang Pamaskong handog ng ALLTV at baka isa ka rin sa mapalad na maging bagong may-ari ng bahay at lupa, at iba pang papremyo.

Read more...