Anak nina Andi, Philmar na si Lilo kinilalang ‘youngest surfer’

Anak nina Andi, Philmar na si Lilo kinilalang ‘youngest surfer’

Andie Eigenmann, Philmar Alipayo with Lilo and Koa

ISANG magandang halimbawa ng sinasabing “small but terrible” si Lilo, ang anak nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Kahit nasa edad lima pa lang kasi ito, nako, astig na astig na siyang sumusugod sa malalaking alon upang ibandera ang natatangi niyang surfing skills.

Recently nga lang ay pinarangalan si Lilo bilang “Youngest Surfer” matapos lumaban sa ika-3rd Mayor Sol’s invitational surfing competition.

Ang nakakatuwang balita ay proud na ibinida ng municipal mayor sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Baka Bet Mo: Andi inaatake rin ng takot bilang nanay, pero hinahayaan lang matuto ang mga anak

Nabigyan din ng award si Philmar sa nasabing kompetisyon at siya ay itinanghal na champion sa kategoryang “Men’s Longboard.”

Para sa mga hindi aware, si Lilo ang panganay na anak nina Andi at Philmar.

Two years old pa lang ang tsikiting ay nag-aaral na itong mag-surf.

Pagdating naman niya sa edad tatlo ay kaya na niyang mag-surf mag-isa.

Nitong Setyembre lamang nang sumali siya sa kauna-unahan niyang surfing competition.

Kamakailan lang, naging usap-usapan sa social media ang pagsupalpal ni Andi sa isang basher na pumupuna sa pagpapalaki sa kanyang mga anak, lalo na kay Lilo.

Ibinandera pa nga ‘yan ng dating aktres sa IG na kung saan ay mababasa ang unsolicited advice ng netizen na ang sabi ay dapat ipasok sa paaralan ang kanyang anak imbes na puro pagse-surf ang inaatupag. 

Ang sagot diyan ng celebrity mom, “She’s doing both, and excelling in both. Thanks very much.”

Kung maaalala noong Hunyo, proud na plinex nina Andi at Philmar ang isa pa nilang anak na si Koa dahil sa astig nitong surfing skills na walang kasama kahit ito ay nasa edad 3 pa lamang.

Read more...