Ogie Diaz super excited na sa bagong show na ‘Quizmosa’: Game nang chumika!

Ogie Diaz super excited na sa bagong show na 'Quizmosa': Game nang chumika!

Ogie Diaz

MADALAS sabihin ng talent manager at content creator-host na si Ogie Diaz na hindi siya aalis ng ABS-CBN o ng Kapamilya channel dahil tumatanaw siya ng utang na loob.

Kaya laking gulat namin nang makatanggap kami ng imbitasyon mula sa TV 5 para sa mediacon ng bagong programa ni Ogie na “Quizmosa” kasama sina Jegs Chinel o mas kilala bilang si Tita Jegs sa online show nilang “Showbiz Update” at Ton Soriano.

Tiyak na may magandang dahilan si Ogie kung bakit niya ito tinanggap na sa tingin namin ay hindi naman ito kalaban ng ABS-CBN o Kapamilya channel at wala namang kaparehong programang ganito na base sa kwento ng host ay game show ito na habang nagma-Marites sila ay may pa-games.

Pero siyempre, bago ito tinanggap ni Ogie ay tiyak na nagpaalam muna siya sa TV executive na sobrang mahal ng lahat, si Ms. Cory Vidanes, channel head ng Kapamilya channel.

At totoo nga, heto ang post ni Ogie sa kanyang Facebook account na nagpasintabi siya kay Ms Cory.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa pagtakbo ni Diwata sa Eleksyon 2025: Naloka nga ako!

“Kinakabahan ako. Charot. Pero wa echos, nae-excite ako kasi panibagong challenge ito sa buhay ko.

“Kung kelan naman nagkaka-edad na saka naman nabibigyan ng mga ganitong pagkakataon, choosy pa ba? Hehehe. Thank you, Papa God! (emojis praying hands and smiling face with a heart)

“Samahan nyo kami nina Jegs Chinel, Ton Soriano, ha?

“Thank you sa TV 5 sa pasabog na pag-welcome. [May] pa-billboard pa silang nalalaman, kaya sana, ma-meet namin ang expectations ng management.

“Yes, bago pa ho ako nakipag-meeting sa creatives ng TV 5, nagpaalam po ako sa aking nirerespetong Channel Head ng ABS-CBN, si Tita Cory Vidanes, at nakakuha naman tayo ng basbas, kaya thank you, Tita Cory! I love you!

“Kay Joaquin Enrico C Santos na siya ring nagbigay sa akin noong 2005 ng ‘Showbiz No.1’ (daily talkshow with my Mareng Nina Corpuz at Jc Cuadrado), thank you sa trust and confidence mo, Enrico!

“Ganun din kina Direk Derick Cabrido, Acris Linaban Tobias at sa buong TV5, salamat talaga!

“Game nang chumika! Basta tama ang sagot at impormasyon n’yo, mga Kapitbahay kong ‘Quizmosa,’ malaki ang chance mong mag-uwi ng cash prize!”

Ayun, pawang mga taga-Dos naman pala ang makakasama ni Ogie kaya niya tinanggap ang offer.

Good luck Ogie sa bago mong Quizmosa show.

Read more...