NAGPAALAM na ang tambalang Nicole Hyala at Chris Tusper sa kanilang FM radio program sa Love Radio makalipas ang 20 taong pamamayagpag sa ere.
In fairness, kung may maituturing na icon pagdating sa pagiging DJ sa FM radio, siguradong agree ang lahat na yan ay walang iba kundi sina Nicole at Chris.
Kamakailan ay tuluyan na ngang nag-goobye ang programang “Tambalan” sa Love Radio nina DJ Nicole Hyala o Emmylou Gaite-Tiñana sa tunay na buhay at Chris Tsuper o Adrian Policena.
Kailangan muna kasing mag-focus si Chris Tsuper sa kanyang political career na tatakbong konsehal sa Lucban, Quezon, sa midterm elections na magaganap sa May 12, 2025 .
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Nicole tungkol sa pag-alis ni Chris sa Love Radio pero agad niyang nilinaw na mananatili pa rin siya sa naturang FM station.
Baka Be Mo: Anak ni Nicole Hyala na-coma nang ilang araw: Totoong may himala, totoong may Diyos!
“Tomorrow, we close the book on a chapter that has been our life for 20 years. It’s hard to find the words to say goodbye to something that has been a part of us for so long.
“Every laugh, every tear, every story we shared with you will forever be etched in our hearts.
“Sa aming mga Tambalanista, thank you for growing with us, for making this journey unforgettable. This may be the end, but the memories will live on in each of us. Padayon!
“PS. Si Chris lang ang aalis. I will stay,” ang mensahe ng lady DJ.
Sa sumunod niyang post, nabanggit ni Nicole kung gaano kahirap mag-move on sa pag-alis ni Chris na nakasama nga niya ng dalawang dekada.
“Dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa itong si Chris Tsuper. Aalis na ang aking on-air partner for 20 years.
“Hindi po ako aalis. Radio is my life and I cannot imagine a day without it. Hindi ko lang alam paano ang radio without Chris Tsuper.
“Pero like all the other challenges I have conquered, this too shall pass. Pinakamasakit ito sa akin, pero malalagpasan ko din ito,” aniya pa.
Sabi pa ni Nicole Hyala sa sulat niya kay Chris Tsuper na binasa niya sa huling episode ng “Tambalan”, “Huwag na huwag niyong kakalimutan ‘yung mahabang panahon na pinagsamahan natin. Kasi ngayong natapos na, kapag binabalot tayo ng lungkot, ‘yun ‘yung magbabalik ng ngiti sa mga labi natin – ‘yung mga alaala.”
Last month lang nang ipagdiwang nina Nicole at Chris ang 20th anniversary ng kanilang “Tambalan” kung saan dumalo pa sila sa isang mass wedding event sa Makati City na in-organize ng Love Radio.