Carmina Villarroel bet pa rin kayang maka-work si Kyline?

Carmina Villarroel bet pa rin kayang maka-work si Kyline?

MULING natanong ang aktres na si Carmina Villarroel kung payag ba itong makatrabaho si Kyline Alcantara.

Sa isang panayam ay nausisa ang ina ng kambal na sina Mavy at Cassy kung gusto ba niyang makatrabaho ang umano’y dating girlfriend ng kanyang anak.

“Ano ba, magkakilala naman kami, of course we’ve worked together. Parang ayoko na lang magsalita kasi ito na nga, pag magsasalita na naman ako may sasabihin na naman sila,” panimula ni Carmina.

Aniya, kapag nagsalita na naman raw kasi siya ay baka masamain na naman ito ng ibang tao.

Baka Bet Mo: Resbak ni Carmina Villarroel sa bashers: Ako matapobre, bilyonarya ba ‘ko!?

“Ayoko na magsalita kasi mamasamain na naman ng ibang mga tao kahit na sabihin mo, ‘I wish her well’ or may sabihin kang maganda, sasabihin nila eh ‘plastic.'” dagdag pa ni Carmina.

Sa tanong kung willing ba siyang makatrabaho ang dalaga sakaling magkrus ang landas nila ay payag naman daw siya.

“Why not? Basta gusto ko na lang naman ng chill, ayoko na ng stress,” sey ni Carmina.

Matatandaang marami ang bumatikos noon sa “Palibhasa Lalaki” actress dahil sa umano’y pagiging pakialamera nito sa naging relasyon nina Mavy at Kyline.

May mga lumabas pa ngang chika na noong diumano’y naghiwalay na ang dalawa ay may mga naging patama raw si Carmina sa dalaga.

Hindi naman ito kinumpirma ng aktres ngunit sa kabila nito ay marami pa rin ang nag-relate ng mga posts niya kay Kyline.

Sa kabilang dako naman ay juicy rin ang mga binitawang posts ng Kapuso young star kaya mas lalong uminit ang bulungan na may hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga ito.

Read more...