Alex na-pressure mabuntis dahil sa Year of the Dragon: Nagpa-IVF pa ‘ko!

Alex na-pressure mabuntis dahil sa Year of the Dragon: Nagpa-IVF pa 'ko!

MAY idinemanda pala si Alex Gonzaga dahil sa pagtawag sa kanya ng “baog” at paggamit ng salitang “nalaglag” sa pamba-bash sa kanya sa social media.

Para sa TV host-actress at content creator, maling-mali ang ginagawang ganito ng mga haters, lalo na sa mga kababaihang nahihirapang mabuntis at manganak.

Nakausap ng ilang members ng entertainment media si Alex, kasama na ang BANDERA, sa bonggang launch ng bago niyang endorsement, ang Chef Ayb’s Herbal Tea kasama ang kanyang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

Hiningan siya ng update tungkol sa plano nila ng asawang si Mikee Morada na magka-baby uli matapos makunan ng dalawang beses.

Ayon sa aktres, hindi na niya pini-pressure ang sarili na mabuntis, abangers na lang daw siya sa araw na ipagkakaloob sa kanila ni Lord ang first baby nila ni Mikee.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga dinakma ang boobey, original target dibdib ni Mikee?

“Parang ngayon, siguro this time, kasi last year, pinresyur ko kasi. Ang daming nagsabi sa akin, maganda ‘yung Year of the Dragon (sa mag-asawa na magka-baby), ‘di ba? Nagalit si Daddy, bakit daw ako naniwala. Hindi raw kami Chinese. Kaya ako na-pressure, nagpa-IVF (in vitro fertilization) pa ako.

“But now, hindi ko na po pini-pressure, dati kasi pinresyur ko, wala rin. So, ang ate ko (Toni Gonzaga) ang nabuntis,” natatawang chika ni Alex.

Sa tanong naman kung naaapektuhan pa ba siya ng mga pang-ookray at pangnenega sa kanya ng mga bashers,  “Siguro may mga times na maapektuhan ka, pero kung malakas nga talaga ‘yung core group mo…

“Like, I have my parents, I have my sister, I have my husband. Kapag binaba mo naman ‘yung cellphone mo, ‘di mo na naman alam ano ‘yun eh. So, ‘yun lang.

“Parang minsan, siyempre, talagang maaapektuhan ka, pero at the end of the day, kapag meron kang supportive na family, may core group ka na talaga, even my friends, na talagang solid, hindi ka naman masyadong masu-sway,” paliwanag ni Alex.

Ano yung pinakamatinding pamba-bash sa kanya na talagang nasaktan at naapektuhan siya? “Hindi ako nasaktan. Personally po, hindi po ako nasasaktan du’n. Pero, parang tingin ko, kailangan mag-stop ‘yun.

“Kapag sinasabihan ka ng baog, sinasabihan ka ng ganu’n. So, meron kami recently, pero ginawa ko po ‘yun, hindi po dahil sa…kasi ‘di ba po, sa gender nagiging very sensitive na tayo ngayon, ‘di ba po, even sa body shaming.

“Pero bakit sa babae, kapag walang anak, parang very loosely ginagamit ‘yung nalaglag, baog, ‘di ba? Parang dapat we really have to be sensitive about it. Kasi ako, kaya ko, pwede naman, kasi okay naman ‘yung ano ng doctor ko.

“Pero what if may mga tao na very sensitive talaga sa kanila ‘yung ganu’ng issue, ‘di ba? May mga ganu’n talaga akong kilala na they can’t even talk about it. Kapag tatanungin ko, kasi ako very casual ako magkwento, sila talagang nakikita mong very sensitive about it.

“So, naisip ko, dapat we have to be careful, na gamitin ‘yung mga word na ‘yun, very loosely, sa mga kababaihan kasi maraming inner struggles ang babae na hindi natin alam. Hindi lang for me.

“So, meron akong ano…meron tayong demanda diyan. Ngayon magla­labas na siya ng kanyang statement,” sey ni Alex na hindi na binanggit kung sino ang kinasuhan niya.

Nagkuwento rin si Alex tungkol sa naging epekto ng pag-inom niya ng Chef Ayb’s Paragis with Moringa and Guyabano Tea. Sey daw ng doktor niya, lumaki na ang chance niya na mabuntis ngayon at nabawasan ang risk na makunan.

“I’ve tried IVF. And, before po ako ma-meet ng paragis, I’m doing LIT (Lymphocyte Immunization Therapy). Kung hindi n’yo po alam ‘yung LIT, it’s a blood transfusion for my…kasi nga po nakita na ‘yung aking immune system is masyadong mataas.

“My body doesn’t recognize pregnancy. So, that’s the way it goes. So, nu’ng nagta-try po kami, hindi po umaangat masyado ‘yung aking blood levels, ‘yung aking immune…kasi hindi ko alam, ma-gets sa mga doktor, basta pumunta na lang ako doon.

“So, by drinking this, siyempre hindi ko sinabi ‘yun sa doktor ko, pero nag-take po ako nito. So, so far, by God’s grace, my last test is positive na po ‘yung katawan ko.

“So, anytime, pwede po tayong mabuntis. So, kasi tiningnan niya ‘yung blood, pwede pala ‘yun, hindi ko po alam na parang oh, your body really can take pregnancy. So, right now, it’s positive, it’s 60% okay.

“So, by God’s grace, anytime na po, baka po mamaya pumunta na ako sa likod, nandiyan si Mikee. Dito pa natin magawa (venue ng presscon), oo. Kung magkulong ako sa CR diyan, basta tuluy-tuloy ko lang daw ang pag-inom.

“Even si Mikee po kasi, it’s also good also for the sperm. Ay, ito na tayo. It’s also good for the men’s swimmers, reproductive organs. So, actually, ang number one benefit talaga nitong Paragis is really for reproductive.

“Pero, the moment na mabuntis ka, you have to stop. Kasi nga, siyempre it’s detoxifying baka ilabas n’ya. So, ‘yun lang ‘yun po. ‘Yun po ‘yung, so far, praise God,” paliwanag pa ni Alex.

Samantala, nabanggit din ni Alex na nagpaplano na rin sila ni Mikee na magkaroon ng church wedding. Next month, November ay magse-celebrate na sila ng kanilang 4th wedding anniversary.

Ibinalita rin ni Alex na magri-release na siya ng ilang kanta ay magkakaroon din ng pelikula very soon.

By the way, bukod sa Paragis with Moringa and Guyabano, meron din si Chef Ayb na Gold (Elusine Indica) capsule. At ayon nga kina Alex, Mommy Pinty at Daddy Bonoy, napakalaking tulong nito sa kanilang kalusugan.

Read more...