Jennica inispluk ang ‘beauty’ tips na itinuro ng ina na si Jean Garcia

Jennica inispluk ang ‘beauty’ tips na itinuro ng ina na si Jean Garcia

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

NASA edad 35 na pala ang Kapuso actress na si Jennica Garcia, pero mukhang nasa 20s pa lang siya.

Ano kaya ang sikreto niya upang mapanatili ang pagiging “fresh” at pagkakaroon ng “healthy” skin?

Isa lamang ‘yan sa mga naitanong kay Jennica matapos siyang ibandera bilang newest ambassador ng isang local beauty and wellness clinic.

Pagbubunyag ng aktres, importante ang “sleep” at “water.”

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA! Sapat na tulog at pag-inom ng maraming tubig lang ang sikreto niya upang ma-achieve ang pagkakaroon ng healthy and young skin.

Inamin pa nga ni Jennica na hindi siya naniniwala sa payong ito ng kanyang ina na si Jean Garcia, pero effective daw talaga ito.

Baka Bet Mo: Jennica Garcia plano nang mag-OFW para buhayin ang 2 anak, kinapalan ang mukha para magkatrabaho sa ABS-CBN

“Once you reach the age of 30 and you get very little sleep, you’ll notice how different your skin in the morning [when] you wake up…and I’m a strong believer talaga that prevention is better than cure. So huwag mong idadahilan sa sarili mo na, ‘okay lang, bata naman ako. Kaya ko naman ‘yung mga 2 to 3 hours of sleep,’ kasi hahabulin ka ng fine lines,” sey ng aktres.

Bukod diyan, dapat daw ay may “healthy” at “happy” disposition sa buhay.

“When you’re not happy in life, whatever is giving you weight, you have to learn when to let go…Mamimili tayo ng laban sa buhay,” sambit niya.

Paliwanag pa niya, “Parang ‘yung mga masyadong mabigat, alamin natin kung kailan sila dapat bitawan at kung ano ‘yung dapat nating pinanghahawakan para gumigising tayo ng masaya. Kasi makikita ‘yun sa mukha natin.”

Sa naging ambush interview naman ng ilang media reporters, nabanggit ni Jennica na isa sa mga itinigil niya rin ay ang pagve-vape.

“Medyo magiging scientific po ako ng very, very light lang kasi I just finished aesthetician school this year ‘nung August. So there’s a thing kasi called ‘fixated,’ ‘yun ‘yung parang may gray area ka dito sa may mouth area mo from smoking. So I think, three years ago, I started vaping and then April this year, nag-quit ako kasi nakita ko doon sa mag lamp namin sa esthetician school na ang ganda tingnan outwardly ng skin ko, but when looking at it on a cellular level, a little bit deeper, you will see the imperfection and things that could have been –kumbaga, pwede mo sana iwasan if you made healthy life choices,” chika niya.

Baka Bet Mo: Melai nalito kay Jennica, ka-terno kasi ang mantel: ‘Ang dami kong ka-uri!’

At diyan niya nabanggit ang ilan sa mga paborito niyang treatments sa nasabing clinic.

“That’s why when I was booking with Bioessence, I wanted a facial, an oxygen facial to bring back the lost oxygen from my system from making negative decisions of habits in the past. So natutuwa ako kasi nakikita ko na ‘yung improvements and then other than that, super fan ako talaga ng body scrubs kasi when we age, it will take 28 to 30 days for your skin to renew, lalo na when you get older it gets difficult and kailangan mo na ng help. So mine-make sure ko na I get to do that for my skin,” kwento ni Jennica.

Ang pagiging bagong ambassador ng aktres ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-30th anniversary ng wellness center.

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

“This is not the first time, kumbaga, second time ko na ito,” wika niya sa pagiging ambassador ng nasabing clinic.

“‘Nung una…I think, 17 or 18 years old [pa ako when] I had my first break as a lead actor for GMA 7 at that time under ‘Adik Sa’Yo,’ partner ko si Dennis Trillo. Tapos tumigil ako sa pag-aartista [after] 7 or 8 years, [then] pagbalik ko after ‘Dirty Linen,’ ito nanaman si Bioessence,” patuloy niya.

Aniya pa, “Kaya sabi ko, nakakatuwa naman na nakikita ni Bioessence ‘yung milestone ng buhay ko at nakakasabay rin kami. Super happy ko rin for the brand itself…kasi ang tagal na rin talaga [nila] sa business. 30 years is 30 years.”

Read more...