Richard Poon, Maricar Reyes umaming muntikang naghiwalay noon, pero….

Richard Poon, Maricar Reyes umaming muntikang naghiwalay noon, pero....

PHOTO: Facebook/Metro Magazine

INAMIN ng mag-asawang Richard Poon at Maricar Reyes-Poon na may mga away sila na minsan ay umabot na sa hiwalayan, pero dahil nasa center nila ang Diyos kaya ito’y naagapan.

Ito ang ipinagtapat ng dalawa sa panayam nila sa vlog ni Karen Davila na napapanood sa YouTube na bago sila ikasal ay kinausap muna si Richard ng isa sa magiging ninang nila.

Sabi niya, “Richard I want to ask you before you make a decision, tingnan mo lahat ang sinasabi (tungkol kay Maricar) na kaya mo ba na your kid one day will go to school and say your mom’s ganito, your mom’s like that, kaya mo ba? If you can answer that question go ahead.”

Open book naman sa lahat ang nangyaring iskandalo sa buhay ni Maricar noong hindi pa siya parte ng showbiz pero hindi naman siya iniwan ng mga kaibigan niya tulad ng pamilya niya ay niyakap at sinuportahan siya ng todo.

May mga netizens din ang nagpahatid ng suporta kay Maricar sa lahat ng pinagdaanan niya dahil wala siyang kasalanan sa mga nangyari, tanging pagkakamali niya noon ay nagmahal siya.

Baka Bet Mo: Maricar Reyes, Richard Poon 10 years nang mag-asawa, kung hindi raw mag-iingat posibleng masira ang relasyon

At ang sagot ni Richard sa ninang nina, “I made a decision as a man na ito ang pipiliin ko, kasama na lahat ‘yun (past ni Maricar).  You can never say I want a clean reputation, walang magba-bash sa anak ko na ‘mom mo ganyan (or) whatever, it’s part of the process.”

Tanong ni Karen, “What clearly you really love her.”

Birong sabi ni Maricar, “excuse my hair (dahil mahaba).”

“Ang pinaka-importante besides that I like her is I don’t have a good past just like a lot of people and friends, so minsan nag-away kami ‘o, sige hiwalay na tayo!’  Biglang naalala ko ‘yung COVID sandali lang si God hindi naman niya ako iniwan kapag masama ako, di ba?” kuwento ni Richard.

Pagbabahagi naman ni Maricar, “Even to get to that point he really took a long time and that was the time na nagdududa talaga ako na ‘ano ba ‘to? But did I think na of what is happening to me at that time (depressed siya) hindi kasi from the start very clear siya na he was coming from a place na alam ko rin naman sablay ako kaya sobra siyang (Richard) iba sa mga…well, may mga umaaligid before ha, ha, ha but iba siya kasi ‘yun nga he was very honest at that thing na parang ‘I’m not cleaner than you.’ May ganu’n na siyang vibe which I didn’t really feel in a lot of other people.”

May nakita si Mr. Crooner sa kanyang wifey na ugali nito kapag off camera o nasa bahay lang sila.

Aniya, “kung ano ‘yung public persona ang layo pag nasa bahay na ang layo, so for me importante is okay you can judge my wife from a far pero to me, iba siya sa bahay. When you get to know the real Maricar at home, ibang-iba.  So, when I decide na gusto ko ‘yun, work – work on it (pagsasama), just work on it.”

Natanong pa ni Karen kung naisip ba nila na habambuhay ang taong papakasalan nila.

Sagot kaagad ni Maricar, “Of course!  Kasi that was something I really held on to, the reputation.  Kasi you spent so many years trying to do the right thing, be the good girl, follow the rules. Actually, one of my biggest struggles why I couldn’t write the book kasi hindi ko mabitawan the reputation that I lost kasi feeling ko nandoon ‘yung value ko.

“Nu’ng natanggap ko na I’m not squeaky clean kasi I was never squeaky clean to begin with.  It’s a process so every year natatanggap ko I feel ligther, actually more free that was really something that holding me down ‘yung feeling na dapat I’m like by everyone, squeaky clean, quiet liberating actually.”

Opinyon naman ni Karen na hindi naman kasalanan ni Maricar ang nangyari.

“That was my thinking initially, yeah I didn’t wanted to happen but after a while you have to start thinking na ‘wait lang, the reason why I was in that circumstance in the first place I also made some wrong decisions. There are wrong decisions made along the way.

“I feel when I really look, ano ‘yung part mo (Maricar) paano ka nakarating diyan! And it was not even that incident, eh goes all the way to my childhood mga internal vows ko, toxic mind sets that I formed even when in a kid those made small wrong decisions that got bigger and bigger na hindi ko namamalayan na sobrang laki na and made toxic decisions and boom!”pagtatapat ni Mrs. Poon.

May ibinahagi rin si Richard na mas matindi raw ang mga nagawa niyang kasalanan kumpara sa wifey niya, nasabi niya ito dahil may rich businessman ang nagtanong sa kanya tungkol ditto.

“I remembered there was one very rich businessman we talk to before marrying Maricar, sabi niya, ‘di ko kaya ‘yun.  ‘Yung nangyari sa wife mo naging public, kami ng wife ko ginagawa rin namin pero private, nakatago. Hindi naming kakayanin ‘yung public backlash.

“Sabi ko naman, ‘if bubuksan mo ‘yung internal ko during my past, walang sinabi si Maricar sa mga ginawa ko, tama? I’m not clean noon, eh. I’m worst, so how can I judge na o ito ‘yung bato ha (ibato sa mas sinner), ako malinis.  Hindi ko kaya talaga, I don’t have that self-perception.”

Hirit ni Karen, “Not all men are like that, (anong masasabi mo) Maricar?”

“Thank you Lord,” sambit ng writer-actress.

Diretsong tanong ni Karen kung napatawad na niya ang taong gumawa ng hindi maganda sa kanya.

“Yeah, I think that was the biggest things that I had to get off my chest kasi the person who really doesn’t want to forgive mas sila ‘yung nada-drag down?,” sey ni Maricar.

At dahil sa magandang pagtanggap ngayon ni Maricar ng kanyang past ay maraming nag-iimbita na sa kanya for counselling o magbigay ng payo sa mga babaeng dumadaan sa sitwasyong tulad ng nangyari sa kanya.

Samantala, now lang naming nakitang mahilig palang kumain si Karen ng matatamis dahil muntikan na niyang maubos ang iba’t ibang dessert na inihanda nina Richard at Maricar na sila mismo ang gumawa at malaking tulong din ito sa panahon ng pandemya dahil isa raw ito sa bumuhay sa kanila.

Read more...