REVIEW: Dolly De Leon kakaibang atake sa pag-arte sa ‘Request sa Radyo’

REVIEW: Dolly De Leon kakaibang atake sa pag-arte sa ‘Request sa Radyo’

PHOTO: Courtesy of Sandro Paredes/RequestsaRadyo

UMARANGKADA na ang inaabangang Manila run ng 1971 play na “Request sa Radyo” na pinagbibidahan ng Hollywood breakout na si Dolly De Leon at broadway legendary na si Lea Salonga!

Noong Miyerkules, October 9, nang maganap ang premiere night ng show at isa ang BANDERA sa mga entertainment media na naimbitahan upang masaksihan ang performance ni Dolly.

Nagkaroon pa nga ng red carpet bago magsimula ang play na kung saan ay isa-isang rumampa ang ilang sikat na artista at kilalang personalidad.

Kabilang na riyan sina Vina Morales, Iza Calzado, Christian Bautista, Naia Black, Michael de Mesa, Antoinette Jadaone, Ketchup Eusebio, Ricky Lee, Carlo Katigbak, at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Lea, Dolly kabado sa pagbibidahang play: ‘We’ve never done like this before!’

‘Nung una, hindi pa namin maisip kung ano ang mangyayari dahil isa nga itong “wordless” play.

Talaga namang kakaiba ang “Request sa Radyo” dahil ito ang bukod tangi na walang batuhan ng linya o kantahan na napanood naming play this year.

Ang ibinabandera lamang diyan ni Dolly ay ang kanyang “pure talent” pagdating sa emosyon at pag-arte.

Nakakabilib dahil pupwede pala ‘yung ganun na kahit walang salitaan ay parang madadala ka rin sa kung ano ang ipinapakita niya sa mga eksena.

May mga time pa nga na parang maluluha ka dahil talaga namang nakaka-relate ang kwento na ipinapakita ni Dolly.

Ang nakakagulat pa, hindi ito nakaka-boring na tulad ng mga naririnig namin bago pa ang showing nito dahil “wordless” nga raw.

Sa katunayan nga ay may pagka-intense pa ito dahil talagang susubaybayan mo kung ano ang mga susunod na gagawin ni Dolly sa play.

Ayaw namin itong i-spoil, pero makakatiyak kami na “pure talent,” “pure art” at very relatable ito, lalo na sa mga Pinoy na malayo sa kanilang pamilya.

Para sa mga hindi aware, ang “Request sa Radyo” ay isang Filipino adaptation ng “Wunschkonzert” or “Request Program” ng German playwright and film director na si Franz Xaver Kroetz.

Ongoing ang show hanggang October 20 na mapapanood sa Samsung Performance Arts Theater, Circuit Makati.

Para malaman ang cast schedule nina Lea at Dolly, maaaring bisitahin ang social media pages ng ng nasabing theater venue, habang ang tickets ay mabibili via Ticketworld.

Ang theatrical play ay produced by Clint Ramos, Bobby Garcia, at Christopher Mohnani for Ayala Land.

Read more...