Shaira na-discharge na sa ospital matapos operahan: ‘Nakaka-smile na ulit!’

Shaira na-discharge na sa ospital matapos operahan: ‘Nakaka-smile na ulit!’

PHOTO: Instagram/@shairadiaz_

MAKALIPAS ang limang araw sa ospital dahil sa isinagawang operasyon sa appendix, finally ay nakauwi na ang Kapuso actress at TV host na si Shaira Diaz.

Ang bagong update ay ibinandera mismo ng aktres sa kanyang Instagram post.

“THANK YOU, LORD GOD, FOR HEALING ME! [folded hands emoji],” bungad niya kalakip ang kanyang picture na nakangiti at nakasuot ng hospital gown.

Kasunod niyan ay lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng nag-alaga at nagbantay sa kanya sa ospital, kabilang na ang medical team ng Perpetual Help Medical Center, ang kanyang pamilya at fiance na si EA Guzman, pati na rin ang lahat ng nagdasal para sa kanyang paggaling.

“Maraming salamat sa inyo. Mahal ko kayo,” sambit niya sa caption.

Baka Bet Mo: Elementong mabuhok galit na galit kay Shaira: Araw-araw umiiyak ako!

Dagdag niya, “Akala ko simpleng abdominal pain lang, ‘yung pain ay nasa likod at paligid ng pusod ko, akala ko simpleng sakit lang at makukuha sa gamot, ‘yun pala kailangan ng matanggal at operahan agad agad.”

Inamin din ni Shaira na ang nangyari sa kanya ang “scariest moment” sa kanyang buhay, lalo na ‘yung time na papasok na siya sa operating room at hindi na niya makakasama ang pamilya niya.

“Grabe ‘yung iyak ko. Grabe yung takot ko. Salamat sa Diyos at nalampasan ko lahat ng ‘yun [folded hands emoji],” saad niya.

Ngayon daw ay wala na siyang nararamdamang “pain” kaya nagagawa na niyang ngumiti.

“Nakaka-smile na ulit [happy face emoji] ingat po tayong lahat!” aniya sa IG.

Magugunitang sumailalim si Shaira sa tinatawag na “laparoscopic appendectomy.”

Chika niya sa nakaraang post, “Ang normal appendix daw ay kasing nipis ng eyelid, ang nakuha sakin ay triple nang laki niya, parang skinless longganisa. Mabuti na lang talaga at hindi pumutok. Salamat sa Diyos.”

Nang tingnan naman namin kung anong klaseng procedure ang laparoscopic appendectomy, sinabi sa isang health website na isa itong “minimally invasive surgery” na tinatanggal ang appendix sa pamamagitan ng maliliit na hiwa.

Read more...