ANGEL nag-donate ng mamahaling sasakyan para sa YOLANDA VICTIMS | Bandera

ANGEL nag-donate ng mamahaling sasakyan para sa YOLANDA VICTIMS

Alex Brosas - November 13, 2013 - 03:00 AM


ISA pala si Sharon Cuneta sa mga artistang may ginintuang puso. Nakita namin ang matinding concern niya sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Samar and Tacloban, Leyte.

Sa tindi ng delubyong bumagyo sa mga nasabing lugar ay hindi nagdalawang-isip si Sharon at kaagad siyang nag-donate ng P10 million.

Yes, tumataginting na P10 million ang ibinigay niya sa dalawang foundation para makatulong sa Yolanda victims. On her Sharon_cuneta12 Twitter account ay ipinaalam niya sa public ang kanyang donation, “@AboitizFDN please expect a check of PHP 5 million from me tomorrow.

The other PHP 5 million plus, please expect tomorrow as well, @alagangkapatid. This is how much I believe in you both. God bless VISAYAS. #BangonVisayas.”

Tila in-explain ni Sharon kung bakit sa dalawang foundations niya napiling ipadaan ang kanyang tulong. “I just want to let you all know that you can trust the aboitiz foundation and the alagang kapatid foundation of TV5. Sigurado pong makakaabot sa mga nangangailan sa Visayas ang inyong donasyon! Thank you,” the Megastar tweeted.

Nagkaroon ng live telethon sa show ni Sharon na The Mega & The Songwriter at maraming nagpahatid ng tulong sa mga nasalanta ni Yolanda.

Binaha ni Sharon ng messages at retweet ang kanyang account dahil ang daming gustong magpadala ng mensahe sa mga kababayan nating merong relatives sa Samar at Leyte.

Talagang in-accommodate ng Megastar ang requests at cries for help ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda. At dahil alam niyang sa dami ng messages at retweets ay naloka siguro ang kanyang mga followers at nag-apologize pa ang Megastar sa mga sumusubaybay sa kanya sa social media.

Datung nga ba ang dahilan kuing bakit naghiwalay sina Angel Locsin at Phil Younghusband as claimed in a report of a popular website?

It appears na ang pagiging purita mirasol daw ni Phil ang siyang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Angel sa kanya. True ba itetch?

Teka, meron nga kayang money issue between the ex-couple? Granted for the sake of argument na mas malaki nang kumita si  Angel kaysa kay Phil, problema ba ‘yon?

Eh, sa talaga namang mas malaki kumita si Angel kaysa sa Azkals player, meron ba tayong magagawa roon? That’s a fact, hindi ba?

Kung true nga na dahil sa money matters kaya sila nagkahiwalay ay how sad naman. Actually, marami ang nanghihinayang na nagkahiwalay ang dalawa. Many thought they were ideal couple pero nauwi rin sa hiwalayan ang lahat.

Sa mga nagtatanong kung bakit na-postpone ang airing ng bagong soap ni Angel ay ito ang sagot: gusting pahupain muna ng Dos ang issue kina Angel at Phil.

Once kasi na umpisahan ang promo ng soap ay gusto ng mga namamahala na hindi ma-exploit ang break-up issue ng dating couple.

By the way, may nabasa ako sa isang website na nakatakda ring ipa-auction ang mamahaling kotse ni Angel para sa Yolanda victims. Ito raw ay isang 1970 Chevrolet Chevelle.

At kung maibebenta nga ito, ido-donate ang napagbilhan sa Sagip Kapamilya Foundation na siyang nagpapadala ng relief goods sa Visayas region.

Kung true itetch, ibang klase talaga kapag tumulong si Angel at we believe na sincere siya sa ginagawa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending