SV priority libreng ospital, gamot, P2K allowance para sa senior citizen
By: Ervin Santiago
- 2 months ago
Rhian Ramos at Sam Verzosa
ISA sa talagang isusulong ng TV host at Tutok To Win Partylist Representative na si Sam Verzosa ay ang mga benepisyo ng mga senior citizen sa Maynila.
Sinimulan na niya ang pamimigay ng P2,000 allowance sa humigit-kumulang 3,000 senior citizen sa Sampaloc, Manila kung saan siya lumaki at nanirahan sa loob ng mahabang panahon.
Marami nang nalibot si SV (tawag ng karamihan sa kongresista) sa lungsod ng Maynila para magbigay ng tulong at ayuda sa mga kababayan niyang Manileño.
Bukod sa pamamahagi ng tulong sa mga senior citizen at mga nangangailangang residente sa lungsod ay nangako rin si SV na ang lahat ng budget ng local government ng Maynila ay mapupunta sa mga mamamayan.
Saksi kami sa pamamahagi ng “Dear SV” host sa pagbibigay niya tulong sa mga residente ng Tondo ilang linggo na ngayon ang nakararaan mula sa pagkain hanggang sa mga gamot at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga taga-Maynila.
Ngayong araw, bumalik si SV sa MLQU compound sa Hidalgo, Quiapo, upang mamahagi muli ng tulong sa kanyang mga kababayan na karamihan nga ay mga senior citizen.
In fairness, talagang sinalubong pa siya ng mga lolo at lola sa venue na parang close na close sa kanya. Niyakap pa ni SV ang mga ito at sinabihang kumain muna dahil may ipinadala raw siyang food para sa lahat ng naroon.
Bibigyang-prayoridad ng kumakandidatong alkalde ng Maynila ang kampanya niyang “Kalusugan” at “Kalinisan.”
“Pinaka-priority natin libreng pang-ospital, gamot, P2,000 allowance para sa senior citizens natin. Pati trabaho at kabuhayan, ginagawa na natin to ngayon pa lang. Naghahatid na tayo ng medical services through SV mobile clinics.
“Sabi nga nila, alam mo ‘pag Manila ka na dahil itsura pa lang. Gusto natin baguhin image ng Manila. Pagandahin natin bilang capital ng Pinas dapat imahe gusto mo lumuwas at pumasyal – hiindi makikipagsapalaran, hindi unsafe. Dapat pwede umasenso dito,” aniya pa sa panayam ng media.
Patuloy pa niya, “Amend natin lahat ng kailangan amend. Solusyonan natin lahat ng problema. Ang kaibahan natin ay magkaroon ng proper consultation sa mga tao para marinig strakholdersHindi yung nag dedesiyon tayo para kung sino lang makinabang o yung may interes. Ang number one priority ay yung tao.
“Sobra-sobra ibinigay na resources sa akin. We don’t do this to help people, we do this to inspire others to do the same. Ito ay movement ng pagtulong, pagbabago. Ito kailangan natin – pagbabago at pag-asa,” mariing sabi ni SV.