Ma-inspire, maiyak sa mga pelikulang ‘The Wild Robot’, ‘The Forge’

Ma-inspire, maiyak sa mga pelikulang ‘The Wild Robot’, ‘The Forge’

PHOTOS: Courtesy of Universal Pictures International; Ayala Malls Cinemas

BILANG nalalapit na ang Christmas Season, magandang kickstarter ang dalawang pelikula na showing na sa mga sinehan.

Ito ang animated movie na “The Wild Robot” at ang Christian drama film na “The Forge.”

Bukod sa mata-touch kayo, paniguradong ma-i-inspire at mamo-motivate kayo sa inyong buhay.

Ihanda ninyo ang mga panyo at tissue paper dahil tiyak na maiiyak kayo sa kwento ng “The Wild Robot.”

Hindi ito bastang pambata lamang dahil mga aral sa tunay na buhay ang ibabandera sa pelikula, lalo na pagdating sa pagkakaibigan, pagmamalasakit at pagmamahalan.

Baka Bet Mo: ‘Joker’, ‘Superman’, ‘Venom’, ‘Smile’ mga nagbabalik big screen ngayong Oktubre

Ang animated film ay hango sa number one New York Times bestseller na libro na may parehong titulo at mula sa panunulat ni Peter Brown.

Ang bida riyan ay ang robot na si “Roz” na napadpad sa isang isla kung saan niya matututunan ang mamuhay kasama ang ilang wild animals.

Ipapakita pa nga riyan ang eksena na nagsilbi siyang adoptive parent ng isang naulilang gansa.

At alam niyo bang 98% ang nakuha nitong rating sa Rotten Tomatoes, base na rin sa magagandang reviews mula sa movie critics at moviegoers.

Isa pang inspiring movie na palabas na sa piling sinehan ay ang “The Forge” na mula sa direksyon ni Alex Kendrick at co-written by Stephen Kendrick.

Ang pelikula ay ang spinoff ng hit movie na “War Room.”

Paglalarawan ng Kendrick brothers sa pagkakaiba ng dalawang pelikula –ang “War Room” ay nagpo-focus sa pagdarasal, habang ang “The Forge” ay tungkol sa discipleship.

Very true naman ‘yan dahil napanood na rin ng BANDERA ang latest offering na ito.

Nakakaantig ang kwento ng bagong pelikula dahil ipapa-realize sa inyo ang kahalagahan ng Diyos at paggawa ng kabutihan sa kapwa, pati na rin ang kapangyarihan ng pagdarasal.

Very relatable ang mga eksena sa drama film at maraming aral na ibabandera pagdating sa buhay-buhay.

Ayaw naman namin i-spoil ang mga nasaksihan namin, kaya narito ang synopsis:

“‘The Forge’ tells the story of a young man named Isaiah Wright, who has some growing up to do. A year out of high school with no plans for his future, Isaiah is challenged by his single mom and a successful businessman to start charting a better course for his life. Through the prayers of his mother and a prayer warrior named Miss Clara, as well as biblical discipleship from his new mentor, Isaiah begins to discover God’s purpose for his life is so much more than he could hope for or imagine.”

Ang “The Forge” ay mapapanood exclusively sa Ayala Malls Cinemas.

Read more...