Ely Buendia may bagong album, may pa-concert pa sa Nobyembre

Ely Buendia may bagong album, may pa-concert pa sa Nobyembre

PHOTO: Instagram/@elybumbilya

MAGLALABAS ng bagong album ang rock legend na si Ely Buendia!

Pinamagatan itong “Method Adaptor” na mapapakinggan na sa darating na November 8.

Kasabay niyan, magkakaroon din ng concert si Ely upang ipagdiwang ang release ng upcoming music project.

Ito ang “Ely Buendia: Method Adaptor” album launch presented by Gabi Na Naman Productions (GNN).

Ang official event ay mangyayari sa 123 Block sa Mandaluyong City sa parehong petsa kung kailan iri-release ang album.

Baka Bet Mo: Hugot ni Ely Buendia matapos ang matagumpay na Eraserheads reunion concert: ‘Healing can only begin within one’s self…’

Ayon kay Ely, asahan ang full-length concert performance kasama ang talented artists sa ilalim ng kanyang music label na Offshore Music (OM).

Kabilang na riyan sina Ligaya Escueta, ALYSON, Carousel Casualties, at Aviators.

Ang concert tickets ay mabibili na via bit.ly/elybuendia123block sa halagang P1,500 hanggang P2,500.

Kamakailan lang, inanunsyo ng bokalista ng The Eraserheads at Pupil na maglalabas siya ng bagong single na pinamagatang “Tagpi-Tagping Piraso” sa October 17.

Ang unang single ng kanyang bagong album ay ang “Bulaklak sa Buwan” na ni-release noong Agosto.

Naunang nagkaroon ng concert si Ely noong Setyembre na tinawag na “Ely Buendia Live.”

Read more...