Pagkamatay ni Ara Davao sa Batang Quiapo ni Coco kinuwestiyon

Pagkamatay ni Ara Davao sa Batang Quiapo ni Coco kinuwestiyon

Ara Davao at Coco Martin

MARAMING followers ng seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” ng ABS-CBN ang nagsabing sana binuhay muna ang karakter ni Ara Davao bilang si Katherine Caballero.

Katwiran nila, wala naman daw kinalaman si Katherine sa gusot ng pamilya Montenegro at ng lolong si Facundo Caballero.

Maraming tagasubaybay ng “BQ” ang nanghihinayang kay Ara na puwede rin daw sanang maging love interest ni Coco Martin as Tanggol dahil may chemistry din sila.

Bukod dito ay gusto rin ni Aling Tindeng played by Ms. Charo Santos-Concio si Ara kaya marami pang puwedeng anggulo kapag binuhay si Katherine.

Baka Bet Mo: Sharon sa tanong kung nagpadagdag siya ng boobs: Tunay yan, 3 anak na binuhay niyan!

Anyway, kailangan na talagang magbawas ng karakter si Direk Coco dahil may mga bagong pasok sa kuwento tulad nitong huling ipinakita na si Sunshine Guimary bilang abogado ng pamilya Caballero.

Samantala, ipinost ni Ara sa Instagram Stories ang mga larawang kasama ang pamilya Caballero headed by Jaime Fabregas, Tessie Tomas at Elijah Canlas; may larawan din sila ni Coco nu’ng unang magkita sila habang nakaburol ang kuya Pablo niya at sa Quiapo nang ipagtanggol siya sa magnanakaw.


Ipinost din nito ang mga highlight scenes niya at ang pasasalamat bilang parte ng “FPJ’s Batang Quiapo” na pinangarap niya at isa-isa niyang binanggit ang mga pangalan lahat mula sa mga direktors at co-actors at ang kanyang management company.

Aniya, “When I found out in January that I was going to be part of Batang Quiapo, I couldn’t believe it.

“It was definitely unexpected and such a dream come true. It’s been a wonderful journey this past year and I’m so grateful to the people that have been with me along the way.

“To my management, thank you for taking care of me and guiding me since day 1. Thank you to my Star Magic family- Direk Lauren, Ms. Love, and Ate Diane. Thank you Mama Ogie.

“To our directors, thank you for being patient with me and motivating me, especially when I’d get nervous. As a newcomer, I found comfort in knowing that I can approach each of you and I’ve truly learned so much from your guidance. Thank you Direk Malu, Direk Vince, Direk Darnel, Direk Jen, Direk Kevin and Direk Ambo.

“To my co actors, I’ve learned from you all and I’m grateful for the friendship we formed.


“Thank you Mccoy, Elijah, Yce and Renz. Mami-miss ko mga k’wentuhan at tawanan natin.

“Thank you Tita Tessie, Tito Jaime, Ma’am Charo, Tito Lou, Tita Malou, Tito John, Tito Bo, Tito Tommy and Tita Irma. Thanks for all your advice and guidance as well. I’ve been inspired just by observing you in our scenes and I’m truly honored to work with the veterans of our industry.

“Shout out to Tita Tessie for always calling me just to ask how I am or to plan dinners. ‘Wag na kayo magalit kay Mamita, close po talaga kami sa totoong buhay.

“To our entire production team and staff, thank you sa pag-alaga sa akin. Nakaka inspire ang hard work niyo and thankful rin ako sa mga bonding natin. Mami-miss ko jokes natin sa set. Hope to see you guys around!

“At syempre sa nag-iisang Tanggol, Direk Coco, maraming-maraming salamat sa tiwala. Isang karangalan na nakatrabaho kita sa una kong teleserye. Salamat sa lahat ng advice at sa pag guide mo sa akin. Salamat sa napakalaking pagkakataong ito. Napakadami ng nabibigyan mo ng opportunity. God bless you more!

“Katherine Caballero signing off! Maraming salamat po. #BatangQuiapo.”

Read more...