Ivana: Hindi mo kailangan maging mayor at councilor para makatulong ka

Ivana: Hindi mo kailangan maging mayor at councilor para makatulong ka

Ivana Alawi

WALA mang binanggit na pangalan, siguradong marami ang tinamaan sa hugot ni Ivana Alawi tungkol sa magaganap na 2025 elections.

Tiyak na marami ang humihikayat sa sexy vlogger na pasukin na rin ang mundo ng politika tulad ng sandamakmak na artistang kakandidato sa May, 2025 elections.

Pero para sa dalaga, wala pa siyang sapat na kaalaman upang tumakbo sa kahit na anong posisyon sa gobyerno. Naniniwala rin siya na isang “calling” ang pagiging public servant.

Sa kanyang TikTok account, nagpaliwanag si Ivana sa lahat ng kanyang tagasuporta kung bakit hindi siya tatakbo sa susunod na eleksyon.

Baka Bet Mo: Geneva Cruz aktibo sa pagiging Air Force reservist: ‘Gusto kong makatulong sa mga tao nang hindi pumapasok sa politics’

“Bakit naman ako tatakbo sa ngayon? Wala akong alam sa politics. Wala kong alam sa pag gawa ng batas and siguro kung papasok man ako sa ganyan, dapat mag-aral man lang ako ng three to four years because I don’t want to put our country at risk,” ang simulang pahayag ng actress-content creator.


Naniniwala rin siya na kahit wala siya sa politics ay pwede siyang makatulong sa mga nangangailangan nating kababayan.

“A lot of people would say, ‘eh kasi gusto ko makatulong sa Pilipinas, gusto ko makatulong sa kababayan natin.’ Kayang-kaya natin gawin yun even without being into politics. Kahit wala kang position, wala kang upuan, kaya mo makatulong.

“Hindi mo kailangan maging congressman or mayor or councilor para makatulong ka.

“We can all help out in our own small ways. Pag papasok ka sa politics at ipaglalaban mo ang Pilipinas, dapat may utak ka,” mariin pang sabi ni Ivana.

Pero agad nagbitiw ng disclaimer ang aktres na wala siyang pinatatamaan o pinariringgan sa kanyang mga naging pahayag, lalo pa’t napakarami ngang artista at social media personalities ang tatakbo next year.

“This is my opinion, my thought, and my answer to the messages that I’ve been getting,” giit pa ni Ivana.


Ito naman ang paalala niya sa lahat ng Filipino pagsapit ng Eleksyon 2025, “Kapag boboto kayo, please vote wisely kasi mahal natin ang Pilipinas.

“I believe aasenso ang Pilipinas as long as we pick the right leaders and the right people to lead the country.

“Sa gustong tumulong, tulong-tulong tayo. Di natin kailangan ng position para tumulong. Pwede ka tumulong kahit hindi ka pulitika. Please vote wisely.

“Sana man lang ibibigay mo yung all-in mo hindi pwede racket mo to. Dapat dedicated ka at give your all.

“Dapat alam mo yung ginagawa mo at mahal mo ang ating mga kababayan. Ang nasa utak mo lagi is them kung makasarili ka, wag ka ng tumakbo,” ang paalala pa ni Ivana Alawi.

Read more...