Doc Willie sa pagliit ng sarcoma cancer: Utang ko sa inyo ang buhay ko

Doc Willie sa pagliit ng sarcoma cancer: Utang ko sa inyo ang buhay ko

Willie Ong

“UTANG ko sa inyo ang buhay ko!” Ito ang naging pahayag ni Dr. Willie Ong matapos ibahagi ang magandang balita tungkol sa kanyang sarcoma o abdominal cancer.

Naniniwala si Doc Willie na napakalakas talaga ng powers ng mga panalangin sa pagpapagaling ng isang may sakit tulad ng nangyayari sa kanya ngayon.

Sa kanyang Facebook page, muling nagbahagi ang Doktor ng Bayan ng update sa pagkakaroon ng cancer at kung paano ito unti-unting gumagaling.

Baka Bet Mo: Isko sa pagkakaroon ng cancer ni Doc Willie: May awa ang Diyos!

Sey ni Doc Willie sa FB status niya, “Yan pong 2 litrato ang ebidensya. Actual PET Scan ko. 100% honest ako sa inyo.
Maraming maraming salamat sa lahat lahat na nagdasal para sa akin.

“Huwag din natin kalimutan ipagdasal ang ating kapwa na nasa mahirap na sitwasyon.

“Sa mahal kong followers,  KAYONG LAHAT at parte sa pagpapaliit ng bukol na iyan.


“Tingnan ang litrato ng aking PET Scan BAGO at TAPOS ng 6 linggo na gamutan. Ang laki ng NILIIT ng HOT SPOTS, yung makinang na Active Cancer cells dati, konti na lang natitira.

“Salamat sa Diyos at sa inyo. UTANG KO SA INYO ang BUHAY ko.

“Kaya kapag lumakas na ako, tutulong pa ako sa bayan natin.  Faith-based campaign gagamitin natin sa Senado. God bless.

“Note: Kahit hindi po kayo doktor, makikita nyo yung UMIILAW na parte ng tumor sa tiyan ko. 6 weeks ago, galit na galit ang bukol parang volcano na umaapoy.

“Ngayon, biglang humina na ang apoy nya. Unti-unting lumiliit na ang active cancer cells.

“Anong nangyare? Dasal, faith in God, faith in the mission to help the poor. Kung kaya ko, kaya nyo din labanan ang sakit. Magtutulungan tayo,” ang kabuuang post ni Doc Willie na tatakbong senador sa 2025 elections.

Nauna na niyang ibinalita ang pagliit ng bukol sa kanyang katawan matapos ang anim na linggong treatment sa Singapore.


“It’s really a miracle. First, I thank God for His continued guidance in my life. He plans my mission on earth and I follow. Second, I thank the many many people who prayed and sacrificed for me.

“Third, I thank my Oncologist Doctor Ang Peng Tiam and his team of doctors and health workers. This doctor can make many stage 4 cancer patients live 8 years and counting, from my conversation with his many patients.

“Fourth, I thank my family and relatives for their financial and emotional support. And of course, I thank Doc Liza and my 2 daughters who have never left me on this journey.

“As I have said, curing myself is just HALF of the battle plan. The important step is FIXING the broken healthcare system in our country.

“There is a REASON why I experienced the highs and lows of our healthcare system. There is a reason I experienced the AGONY that our poor countrymen are going through.

“With your help, we will improve healthcare in our country. And hopefully make a dent at the widespread corruption plaguing our country. Maraming salamat po,” mensahe pa ni Doc Willie.

Read more...