NAGLABAS na ang GMA Sparkle management ng official statement hinggil sa kinasasangkutang kontrobersya ngayon ni Julie Anne San Jose.
Inako ng Sparkle ang responsibilidad sa nag-viral na video ni Julie Anne kung saan nakatikim siya ng pambabatikos dahil sa pagkanta ng “Dancing Queen” sa loob ng simbahan.
Naglabas ang pamunuan ng Sparkle ng official statement tungkol sa kontrobersya kagabi, October 9, at ipinost sa kanilang official Instagram account.
Narito ang kabuuang pahayag ng talent management ng Kapuso Network.
“Sparkle would like to officially address the current issue regarding Julie Anne San Jose’s performance at the Nuestra Señora Del Pilar Parish.
Baka Bet Mo: Julie Anne basag dahil sa OOTD, pagkanta ng Dancing Queen sa simbahan
“Sparkle GMA Artist Center takes full responsibility for Julie Anne’s attendance at this event.
“It is our job to coordinate and clear details with the organizers and relay the instructions to our artist.
“Julie Anne only fulfilled her duties and commitment as a true professional.
“She is a devout Catholic and had no intention of disrespecting the Church or its members.
“We are truly sorry to those we have offended. We hope that this puts the issue to rest.
“We apologize to Julie Anne as well.
“Moving forward, we will be more vigilant in our coordination efforts to ensure such incidents do not happen again.”
Naibalita natin dito sa BANDERA na magkakaiba ang reaksyon ng netizens sa viral video ni Julie Anne.
Binatikos nga ang Kapuso actress-singer matapos kumalat ang isang video sa social media na kuha habang kinakanta ang “Dancing Queen” ng ABBA sa harapan ng altar ng isang simbahan.
Nangyari raw ito noong October 6, kung saan isa si Julie Anne sa mga nag-perform para sa “benefit concert” na ginanap sa Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Bukod dito, may isa pang video ang kumalat sa TikTok kung saan lumapit naman si Julie Anne sa audience habang kinakanta ang “The Edge of the Glory” ni Lady Gaga.
Sa TikTok account naman ng GMA Sparkle ay ibinandera rin ang “incredible vocals” daw ng actress-singer matapos itong mag-perform sa “Heavenly Harmony in Concert (Harana para kay Maria).”
Narito ang ilang comments ng netizens na nakapanood sa video ni Julie Anne kung saan marami nga ang pumuna sa kanta at damit ng dalaga.
“SERIOUSLY? AT THE ALTAR? DO U EVEN KNOW NA BAWAL KUMANTA, SUMAYAW/GUMAWA NG WORLDLY SONGS/DANCE SA HARAP NG ALTAR?”
“Sa Altar talaga??????”
“Harana para kay maria pero bat ganyan ang kanta?”
“Ginawang ASAP ‘yung simbahan.”
“Kailan pa naging concert hall ang simbahan? Sad di na nirespeto ang simbahan.”
“Sinong nagpasimuno Ng ganyan concert? Hinayaan nyong kinanta ang mga Kantang Hindi angkop. Sacrilege! Dapat may agreement Kayong mga organizer SA artist kung ano Lang kanta na angkop at ang pwedeng kantahin lalo na’t NASA loob Yun Ng Simbahan.”
“Sino nag organize ng event ‘nyo? Kung may ganon na performances dapat hindi sa loob ng parish, saka ang labo ng description, concert ba talaga o harana? O pinagisa nyo na lang?”
“Tapos ang naka backless and sexy ng suot and nasa altar nag perform wow ha!”