Willie napilitang tumakbong senador sa 2025: Awayan kasi nang awayan

Willie napilitang tumakbong senador sa 2025: Awayan kasi nang awayan

Willie Revillame

NAGDESISYONG tumakbong senador si Willie Revillame dahil gusto niyang ipaglaban at maibigay ang tunay na kailangan ng mga mahihirap nating kababayan.

Humabol ang veteran TV host sa huling araw ng pagpapa-file ng certificate of candidacy (CoC) sa Comelec kahapon, October 8, sa Manila Hotel Tent City para sa pagtakbong senador sa Eleksyon 2025.

Humarap sa mga miyembro ng media si Willie pagkatapos maghain ng CoC at dito nga niya ipinaliwanag kung bakit siya tatakbo sa darating na midterm elections next year.

Sa simulang bahagi ng kanyang speech ay sinabi ng TV host na hindi na raw siya magpapakilala dahil kilala na naman daw siya ng mga naroon bilang mahigit dalawang dekada na rin siyang napapanood sa TV.

Baka Bet Mo: Willie tatakbong senador sa 2025: Mas malaki ang maiaambag ko sa Pilipino

Aniya, pansamantala raw muna niyang iniwan ang programa niyang “Wil To Win” sa TV5 para mag-file ng kanyang CoC sa Comelec.


May nagtanong nga kay Willie kung ano ang nagtulak sa kanya para kumandidatong senador, “‘Yung mga nakikita ko…away. Awayan nang awayan. Mga edukado.

“Ang tingin nila sa mga artista, eh, masyadong mababa. Aba’y kami may magagandang puso para sa ating mga kababayan,” sagot ni Willie.

“Kung makikipag-away ako sa Senado, makikipag-away ako para sa mahirap. Hindi lang batas nang batas, ang batas sa mahihirap ang kailangan natin,” mariing sabi pa ng beteranong host.

Patuloy pa ni Willie, “Ano ba ang purpose ng isang senador? Hindi ako abogado, hindi ako nakatapos, pero ang purpose dapat ng bawat senador, bawat nagpa-public servant, bawat namumuno sa local government, mabuting puso ang mayroon ka. Ang lagi mong iniisip ‘yong mga kababayan mo.”

Sabi pa niya, napakarami na raw nagawang batas ang mga umupong presidente ng Pilipinas pati na ang mga senador at kongresista pero bakit hanggang ngayon ay napakarami pa ring naghihirap na Filipino.

Read more...