“MAY himalaaaa!” Iyan ang siguradong isinisigaw ngayon ng Doktor ng Bayan na si Willie Ong patungkol sa latest development sa kanyang cancer.
Nagbigay ng update si Doc Willie sa isinasagawang medical treatment at procedure ngayon para sa kanyang sarcoma o abdominal cancer.
Masayang ibinalita ng cardiologist at senatorial aspirant na maganda ang latest news na natanggap niya mula sa mga doktor na gumagamot at nag-aalaga sa kanyang kalusugan.
Sa pamamagitan ng Facebook, sinabi ni Doc Willie na lumiit na raw ang sarcoma sa kanyang katawan makalipas ang anim na linggo mula nang magpagamot siya.
Baka Bet Mo: Willie Ong hindi susuko sa cancer, pero nagbilin na sa mga supporter
“Doc Willie’s Sarcoma shrinks by 60% in 6 weeks. (See Actual PET Scan results for comparisons. The LIGHTED areas are the active cancer cells which has dramatically reduced),” ang nakalagay sa caption ng FB post.
Sabi ng doktor na tatakbo ngang senador sa 2025 elections, “I remember all the sad eyes and tears when colleagues found out my diagnosis.
“A 16 cm large sarcoma invading all the major blood vessels. Inoperable they say. A hopeless and terminal case in the brink of death. Well, apparently not for my case.
“With the help of my brother and a patient of Dr Ang Peng Tiam, I was whisked to Singapore while in serious condition.
“Now, after 6 weeks of treatment by my Singapore Oncologist, Dr Ang Peng Tiam, the cancer has shrunk dramatically,” saad ni Doc Willie.
“It’s really a miracle!” aniya pa.
Kung matatandaan, in-announce ni Doc Willie noong September 14 na tinamaan siya ng sarcoma cancer at ang dahilan daw nito ay matinding stress na naranasan niya dulot ng pamba-bash sa kanya ng netizens.
At kahit may cancer, nagdesisyon si Doc Willie na tumakbong senador next year. Naghain siya ng certificate of candidacy (CoC) sa pamamagitan ng asawa niyang si Doc Liza Ong.