Sarah emosyonal sa pagrampa sa Paris Fashion Week, dedma sa ‘mom guilt’

Sarah emosyonal sa pagrampa sa Paris Fashion Week, dedma sa 'mom guilt'

Sarah Lahbati

EMOSYONAL ang aktres at celebrity mom na si Sarah Lahbati sa pagbabahagi ng naging experience niya sa pag-attend ng Paris Fashion Week sa kauna-unahang pagkakataon.

Kakaiba at napakabongga raw ng naging karanasan niya sa naturang international fashion event na forever na niyang ite-treasure sa kanyang buhay.

Nag-share ang estranged wife ni Richard Gutierrez ng ilang litrato at video niya sa Instagram kalakip ang mahabang kuwento tungkol sa mga naging kaganapan sa pagpunta niya sa Paris kung saan marami siyang nakilalang personalidad mula sa fashion industry all over the world.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

“As I sit here back home reflecting on the whirlwind of the past few days, I can’t help but marvel at how far I’ve come since last year.


“It’s a bit surreal to think back to a time when I felt .. lost, my spirit weighed down and the light seemed distant. Yet, here I am, embracing my dreams in a city that feels like a second home,” ang simulang pagbabahagi ni Sarah.

“This journey began as a simple birthday treat for myself—a chance to celebrate in a place I adore.

“Little did I know it would coincide with Fashion Week, and that I would have the opportunity to connect with someone I’ve long admired for her style and work ethic,” pahayag pa ni Sarah.

Inamin naman ni Sarah na ang mahirap lamang na bahagi ng pagrampa niya sa Paris ay ang sobrang pagka-miss niya sa kanyang dalawang anak na sina Zion at Kai, na naiwan sa Pilipinas.

“Leaving my kids behind has been the hardest part. I have an eleven-year-old and a six-year-old, and it’s quite heartbreaking to be away from them.

“However, I no longer believe in mom guilt. It’s essential to balance my responsibilities while pursuing my dreams,” ang punto pa ni Sarah.


Pagpapatuloy pa niya, “Being surrounded by an incredible personal team, cheering me on as a Fashion Week newbie. Their support has made this experience not just enjoyable but truly unforgettable.”

Bukod kay Sarah, ilan pa da mga Pinoy celebrities na rumampa sa Paris Fashion Week 2024 ay sina Heart Evangelista, Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Maymay Entrata, Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, Max Collins, Anne Curtis, Filipino-American Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel at ang Filipino-American model na si Kelsey Meritt.

“Being with fellow Filipinos in a city like Paris is a significant moment for us, whether outsiders realize it or not—especially at a beautiful event.

“I’m immensely grateful to everyone who believed in me and my dream. This journey is a reminder of why I pursued this path: to learn, to have fun, and to embrace the beautiful chaos of it all.

“So, to anyone out there chasing their dreams: keep going. You’ve got this. Make your dreams come true, kid. Merci, Paris. Je t’aime,” ang mensahe pa ni Sarah Lahbati sa lahat ng mga Filipino.

Read more...