Chito: Hindi ako nagdyi-gym dahil gusto kong pumogi o maging macho

Chito: Hindi ako nagdyi-gym dahil gusto kong pumogi o maging macho...

Chito Miranda at Neri Miranda

“HINDI ako nagji-gym dahil gusto kong pumogi o maging macho…matagal ko nang tinanggap na hindi mangyayari yun,” ang makahulugang hugot ng OPM icon na si Chito Miranda.

Maraming nag-like at na-inspire sa isang Instagram post ng premyadong singer-songwriter patungkol sa kanyang lifestyle ngayon.

Ayon sa bokalista ng Parokya ni Edgar, ginagawa niya ang lahat para mas maging malakas at healthy, hindi lang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa asawa niyang si Neri Miranda at sa kanilang mga anak.

Nag-post si Chito ng litrato niya sa IG kalakip ang paliwanag kung bakit kinakarir niya ang pagwo-workout sa gym.

Baka Bet Mo: Coleen sinigurong wala nang bisyo si Billy: He’s healthier than ever!

“May gusto lang ako linawin.

“Hindi ako nagji-gym dahil gusto ko pumogi o maging macho…matagal ko nang tinanggap na hindi mangyayari yun (at matagal na akong mayabang para magpa-pogi pa hahaha),”

“I go to the gym kasi gusto ko maging healthy para sa pamilya ko.

“Yun lang yun. Ganu’n lang ka-simple,” ang simulang pahayag ni Chito.


Patuloy pa niya, “I embraced a healthier lifestyle because I want to live longer and be as strong as possible, as long as possible, dahil ayaw ko iwan ang pamilya ko ng maaga.

“Gusto ko tumanda kasama ni Neri at makapag-travel kami ng hindi nagrereklamo na pagod na ako maglakad.

“Gusto ko makipaglaro sa mga anak ko na hindi nagrereklamo na pagod ako.

“Gusto ko sila kargahin hangga’t pumapayag sila magpakarga, at makipag-sabayan sa basketball or hiking pag teenagers na sila,” sey pa ng award-winning singer-songwriter.

Dagdag pang paliwanag ni Chito, “I want my wife and kids to be with the best version of myself na kaya ko ibigay sa kanila.

“Neri needs a healthy husband.

“My kids need a healthy dad.

“…because my family deserves the best.

“AKO ang mag-aalaga sa kanila…not the other way around,” mariin pa niyang sabi.

Marami naman ang nag-react sa post na ito ni Chito. Narito ang ilan.

“Bakit parang naiiyak ako dito Sir Chits… Idol ka tlga Sir sana lahat ng husband makapag isip ng ganyan.”

“Nice! Admire ko yang ganyan sa mga lalake na prioritize ang health and especially will do anything for the family.”

“True po yan idol chits! Gusto natin mas maging healthy para sa pamilya natin para makasama pa natin sila ng matagal. Salute to you idol Chits!”

“I like the mindset. me being on mg 50s trying to be mindful what i eat and do. yun health dn habol ko to spend MORE quality time for my family and to my APOs.”

“Pag kayo po nagpost grabe ang caption tagos na tagos sa puso.”

“Totoo naman to, lalo na pag may family ka na. I was fueled to be healthy dahil there was one time na hindi ko na buhat ng sabay yung dalawang boys namin and I was just 34. Nasabi ko talaga na ‘wtf?!’
Kaya eto, simpleng calorie management and running lang, kinaya naman.”

“Sabi nga nila: if you don’t make time to be healthy, you have to make time for illness.”

Read more...