APAT na beses palang nagtangkang mag-propose ang actor-singer na si Jerald Napoles sa kanyang partner na si Kim Molina.
Inisa-isa ni Jerald ang mga nangyaring eksena sa mga pinagplanuhang marriage proposal para kay Kim pero lahat ng ito ay pumalpak at hindi natuloy.
Sa kanilang latest podcast, naikuwento ng aktor kung paano niya pinaghandaan at binigyan ng effort ang pagpo-propose kay Kim sa apat na magkakaibang tema.
Ang unang proposal sana niya ay sa Europe, isa sa mga dream destination ni Kim, “The first plan was, sa July 2023, magbibirthday siya at anniversary din natin, July 22.
Baka Bet Mo: Ion Perez naiyak nang di payagang mag-propose kay Vice Ganda sa ‘Showtime’
“May plano talaga tayo mag-Europe. ‘Di ba may shows naman tayo and events na contract so kahit paano may ipon tayo. Sabi ko, ‘Okay sige doon na ako mag-propose.’
“Si Kim kasi, gustung-gusto niyang mapuntahan, sobrang particular ni Kim ay sa Rome, sa The Coliseum. Sabi ko, ‘doon ako mag-propose.’ Pero dahil nga ang taping namin noon ay Team A (series ng TV5), hindi natuloy ‘yung July,” paliwanag ng aktor.
Sumunod daw dito ay ang pinlano niyang proposal sa isa pang dream destination ni Kim, ang Switzerland kung saan perfect ang “winter wonderland” engagement.
“Ang plano ko, nakita ko lang ‘yung Zinal Cave, kuweba siya na glacier. Mag-hike kayo tapos makikita mo lang na ang fantastic niya, so sabi ko plano ko mag-propose doon.
“Sabi ko, ‘Ito na iyon. Kailangan ko na mag-propose kasi naudlot na kahit saan man dito’. Ayun yung plano ko na lang, tapos hindi na naman tayo natuloy,” pagbabahagi pa ni Jerald.
Reaksyon ni Kim, “Nu’ng time na ‘yun na hindi kami natuloy mag-Europe trip last year, December 2023, it was more of personal decision namin ni Jerald because during that time, binubuo ‘yung isa pang brand na business namin ni Je na ilo-launch pa namin.
“Hindi kami natuloy kasi financially, kailangan namin magtipid ni Jerald,” aniya pa.
Sa ikatlong attempt ni Jerald, “Ang nangyari dito ay sobrang fan tayo ng Coldplay. Noong tour ng Coldplay 2024, ano mamili tayo kung Pinas o abroad kasi lagi ko sina-suggest manood tayo abroad kasi mas mura.
“So sabi ko, Bangkok, Thailand, the place to be. Noong Coldplay, sabi ko, nagkaroon na ulit ako ng idea kasi sabi ko Coldplay eh tapos ‘yung one of our love songs ‘Fix You’ and we consider ‘Sky Full of Stars’ our song, one of our songs.
“Nagpunta kami sa concert. May bag ako na nandoon ‘yung singsing, tapos sabi ko plano talaga kapag tumugtog yung ‘Sky Full of Stars’, heightened emotions ka kasi sabay-sabay ang confetti, fireworks, ‘yung umiilaw na bracelet, mga bola, mga inflatables kasi celebratory song nila iyon. Sabi ko, dito ako magpopropose,” kuwento ng aktor.
“Tapos bumubunot na ako (ng singsing). Three songs na lang, eh si Kim, siyempre nag-Bangkok kami, si Kim nag-LBM dahil sa pagkain sa Bangkok and ito kapag nastress na-trigger.
“Nandoon kami sa parang ground, sa mosh pit area, so imagine 50,000 audience, malapit kami sa stage so ang banyo nandoon sa likod. So kapag umalis ka doon, wala na, hindi ka na makakabalik,” ang nanghihinayang na sabi ni Je.
“Habang lumalakad kami palabas, tumunog na yung ‘Sky Full of Stars.’ Baka nga hindi ito. Hayaan mo na. Siya lang naman inaalala ko.
“Tapos sabi ko sa kanya, ‘Kamusta ka?’ Kasi siya lang naman inaalala ko. Sabi ni Kim, ‘Ano pala, utot lang.’ Sabi ko, sana inututan mo na lang mga kasama natin kasi hindi naman nila mahahalata iyong kasi masaya sila,” ang pabirong sabi ni Jerald kay Kim.
“I’m sorry, I didn’t know that time. Akala ko galit siya sa akin kasi nga hindi niya napanood, ayon pala, noong nagpropose siya, tsaka ko lang nalaman kung bakit hindi mapinta ‘yung mukha mo,” sabi naman ni Kim.
Naisip ni Jerald na gawin ang proposal sa Europe, “Sabi ko, okay, tutal gagastos din, sabi ko Europe. Sabi ko ituloy pero instead sa Rome, sabi ko sa Venice kasi ayun ‘yung theme ng Rak of Aegis (musical play) na Villa Venecia.”
Isasabay sana niya ito sa anniversary nila ni Kim at sa 10th anniversary ng “Rak of Aegis” kung saan sila unang nagkakilala.
“Gusto ko siyang gawin sa gondola sa Venice, Italy. Balak ko maghire lang photographer and then, while pinipicturean tayo habang nag-iikot, magpo-propose ako,” ani Je.
Pero hindi na naman ito natuloy, “Hindi umabot ang aming visa. I was aware already that it’s the 10th year of Rak of Aegis, kaso ayun nga, matagal pala ‘yung visa. Ang tagal dumating kaya na-late tayo. Dadating yung visa, pero na-late na tayo.”
Sa ikaapat na pagkakataon ay nagtagumpay na nga si Jerald na makapag-propose kay Kim na nangyari PETA Theater kung sila unang nagkakilala at nagkasama sa jukebox musical play na “Rak of Aegis” taong 2014.
“It’s very sentimental,” ang reaksyon ni Kim.