BACK to school na ang actor-comedian na si Awra Briguela!
Wala pang detalye, pero ito ay proud na ibinandera mismo ni Awra sa kanyang social media pages.
Unang ipinost ng komedyante sa Instagram ang isang video na ipinapakita ang suot niyang school uniform mula sa University of the East (UE).
Ang tanging caption lamang diyan ni Awra ay ang emojis na mga libre at red heart.
Baka Bet Mo: Awra hindi pa rin OK ang relasyon sa ama; Vice Ganda may rebelasyon
May hiwalay na post ang aktor na ipinapakita ang ilang moments makalipas ang isang linggo niya sa eskwelahan.
“And so she said: Let’s begin again,” wika niya kalakip ang white heart, books at sparkle emojis.
Sa comment section, maraming netizens ang pumuri at natuwa sa latest update ni Awra.
Narito ang ilang sa mga nabasa namin:
“Study hard, you’re one of the school girls now, Awra!”
“Nice to see you being a warrior…My Alma mater…Let’s Go Warriors [fire, red heart emojis]”
“Sana aral talaga Awra ha bago aura. Friendly reminder lang. Love you [smiling face with hearts, red heart emojis]”
“Good luck sa studies and career girlie”
“Hard work! hard work! Also so proud! You inspire me!”
“Woow good choice tapusin pag-aaral!”
Kung matatandaan, hinuli si Awra noong June 29 ng nakaraang taon dahil sa rambulang naganap sa isang bar sa Poblacion, Makati City kung saan sinabing ipinatanggol lamang nito ang mga kaibigang babae dahil hinipuan umano ng isang lalaki.
Pero salungat ito sa inireport na CCTV footage ng nasabing bar kung saan ay nakita kung ano ang tunay na nangyari sa pagitan ni Awra at ng lalaking nagngangalang Mark Christian Ravena.
Ayon sa staff ng bar, gustong magpa-picture ng grupo nina Mark kay Awra ngunit sabi raw ng aktor ay maghubad muna ang guy bago siya pumayag.
Makikita pa nga sa isang video clip na hinatak ni Awra ang t-shirt ni Mark hanggang sa matumba sila at mapunit ang damit ng binata.
Hindi raw maawat ang dating child star kahit anong pigil pang gawin ng mga bouncer hanggang sa lumabas na sa bar ang mga involved at nauwi na sa rambulan.
Nakalaya naman agad si Awra matapos makapagpiyansa sa halagang P6,000.
Dahil sa nangyari, si Awra ay naharap sa mga reklamong physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, at direct assault.