BUKOD sa makabuluhan, isang pangarap na natupad ang pagbisita ni Olivia Rodrigo sa Pilipinas.
Inamin niya ‘yan mismo sa kanyang latest Instagram post matapos ang kanyang “Silver Star” concert na ginanap sa Bulacan noong Sabado, October 5.
“Been dreaming of this show for a whileeeee. My first time in the Philippines and also my biggest venue ever!!!!!” bungad sa caption ng international star, kalakip ang ilang moments niya dito sa ating bansa.
Mensahe pa niya sa Pinoy fans, “Thank you to everyone [in] Manila for welcoming me so generously and making me feel so loved.”
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Faney na-meet si Olivia Rodrigo sa Intramuros: Parang VIP na!
Nabanggit din niya sa post na ang lahat ng kinita niya sa kakatapos lang na concert ay ibinigay na niya sa non-profit organization na Jhpiego Philippines.
“I’m SO stoked that all the net ticket sales from last night could be donated to @jhpiego through my fund 4 good,” ani ni Olivia.
Para sa mga hindi aware, ang nasabing organisasyon ay dedicated na makapag-provide ng healthcare sa mga kababaihan.
May Instagram Story din ang pop star na ipinapasilip ang ilang behind-the-scenes sa nasabing show.
Ang paglalarawan pa nga niya riyan, “One of the most special nights everrr.”
Kasama ni Olivia sa pagpunta dito sa Pilipinas ay ang ama niyang si Chirs at ang boyfriend niyang si Louis Partridge.
Ilan lamang sa mga itinanghal ni Rodrigo sa concert at ang hist songs niyang “vampire,” “drivers license,” “all-american b—ch,” “bad idea right?,” “traitor,” “teenage dream,” “traitor,” “ballad of a homeschooled girl,” at marami pang iba.
Kung matatandaan, noong 2018 nang inamin ng singer sa isang interview ang pagkakaroon ng dugong Pinoy sa kanyang father’s side.
Ayon sa kanya, ipinanganak at lumaki sa United States, pero ang kanyang ama ay isang Pinoy habang ang kanyang ina ay isang American-Irish.
At dahil diyan, nasabi niya sa panayam na matagal na niyang gustong magpunta sa Pilipinas upang makapag-perform.
At nitong weekend nga lang ay natupad na niya ito at nagkaroon pa siya ng maikling tour sa Intramuros bago ang pagtatanghal.